September 11, 2029
Omicron
“Chi, seryoso ka ba at dinala mo talaga ‘yang Heisen na ‘yan dito sa headquarter natin?” pabulong na tanong ko kay Chi dahil ngayon isinama niya si Heisen dito sa rooftop kung saan kami tumatambay kasama si Isko.
“Kuya, anong headquarter ka diyan? Kakain lang naman tayo ng breakfast dito hindi ba?”
“Eh, ‘diba may alitan kayo niyan ha? Bakit mo pa siya idinala rito?” sunod-sunod pa rin ngang tanong ko rito.
“Kuya Omicron, hindi pa po ba tayo kakain?”
At natigilan nga ang pag-uusap namin nang dumating si Samuel na may dala-dalang isang supot ng mga nakaboteng inumin.
‘“Eh, kayo? Akala ko ba ay galit ka kay Samuel?” baling ngang tanong sa akin ni Chi dahilan para matigilan na nga ako sa pakikipag-tanungan sa kaniya.
“K—kuya Heisen? Anong ginagawa mo rito?” gulat nga at nagtatakang tanong ni Samuel kay Heisen dahilan upang mabaling sa kaniya ang atensyon nito.
“M—magbrebreakfast,” tipid na sagot ni Heisen na ibinaling na nga ang tingin sa mga nakalapag na pagkain sa mesa.
“Oh siya, kumain na tayo dahil kanina pa talaga ako nagugutom,” yaya nga ni Isko dahilan para kumuha na rin ako ng plato at kutsara nang maumpisahan na ngang kumain.
_________________________
Kakatapos lang naming makakain ng mga pagkain na idinala namin dito sa rooftop galing sa cafeteria. At ngayon ngay may mga kaniya-kaniya kaming inumin at tahimik lang silang lahat at wala ata ni isa sa kanila ang gustong mag-umpisa ng usapan dahilan para tumayo ako at magdecide na ako na ang mag-umpisa ng usapan.
“Maglaro tayo,” saad ko nga dahilan para mabaling ang atensyon nila sa akin.
“L—laro? Kuya Omicron, kung ano-ano na namang trip mo eh,” pambabasag nga ni Chi na siyang hindi ko nga pinansin.
“Ano bang laro ang naiisip mo kuya Omicron?” tanong nga ni Samuel na hindi tulad ni Chi ay mukhang excited nga sa trip ko.
“Magtrutruth and lies tayo,” saad ko sabay kuha na nga ng mga beers kong dala sa bag ko at inilabas nga ang mga ito dahilan para magsilakihan ang mga mata nila nang dahil sa gulat.
“Kuya Omicron, saan mo nakuha ‘yan?” gulat na gulat ngang tanong ni Chi.
“Wala namang ganyan sa cafeteria ha,” saad pa nga ni Samuel.
Ngunit nginitian ko lamang nga sila at inilapag na ang mga beers sa mesa.
“Sa cafeteria wala, pero sa party meron,” sagot ko at tiyaka nakangiti ngang binuksan ang isang beer.
“T—teka, umagang-umaga tas iinom talaga tayo? Omicron, seryoso ka ba talaga?” sunod-sunod ngang tanong ni Isko at tumango nga ako ng ilang beses bilang sagot.
“Hindi ka naman iinom kung sasagutin mo ng tama ang mga tanong na ibabato sa’yo,” saad ko pa nga at tiyaka inilabas ang isang polygraph (a device or procedure that measures and records several physiological indicators such as blood pressure, pulse, respiration, and skin conductivity while a person is asked and answers a series of questions) mula sa bag ko.
“May polygraph ka sa bag mo kuya? Bakit parang andami mong dala at talagang pinaghandaan mo—“
At bago pa nga makarami ng salita si Samuel ay sinarahan ko nga ang bunganga nito ng tinapay nang matahimik.
“Oh ano, game?” tanong ko nga at sabay tingin sa kanila isa-isa at tumango nga si Samuel bilang sagot at napilitan na nga ring tumango maging si Isko.
“Eh, kayong dalawa?” baling ngang tanong ko kay Chi at kay Heisen na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sinasagot.
“Game ako,” sagot ni Heisen na dahilan para si Chi nalang ang maiwang hindi sumasagot.
“O—okay, game na ako,” napilitan nga niyang sagot dahil siya na nga lang itong kj na ayaw pang pumayag.
_________________________
Ngayon ngay una naming isinalang si Isko sa may lie detector test at isinaksak na nga sa kaniya ang mga equipments na siyang magdedetect sa kaniyang heart rate/blood pressure, respiration, and skin conductivity.
“So, dalawang questions ang ibabato sa bawat tao ha at sa tuwing mali ang sagot nito ay isang baso ng beer ang iinumin niya,” paliwanag ko habang nilalagyan na ang ang baso ng beer.
“Oh, siya kuya Heisen, ikaw na maunang magtanong,” saad nga ni Samuel na tulad ko ay naeexcite na rin sa laro.
“A—anong itatanong ko?” tanong nga ni Heisen na mukhang ngayon nga lang ata nasubukan na maglaro ng ganito at pati itatanong hindi alam.
“Anything,” sagot sa kaniya ni Chi na kita ko ngang wala na namang kaenergy-energy.
Hayaan mo, mamayang term mo na ay tiyak akong tataas ang level ng energy mo.
“Anything? Like kahit ano?” tanong nga muli ni Heisen.
“Ay hindi, ano bang meaning ng anything ha?” sarkastikong sagot ko nga rito dahilan para lakihan ako ng mata ni Isko at sikuhin nga ako ni Samuel.
“Okay, my question is”—panimula nito dahilan upang matuon ang atensyon namin sa kaniya—“What keeps a bicycle balanced?”
Tanong nga ni Heisen dahilan para matameme nga kaming lahat at hindi ko nga napigilang magpigil ng tawa dahil sa itinanong niya.
“What keeps the bicycle balance? Seryoso ka ba Heisen?” sunod-sunod ngang tanong ni Chi at tumango nga si Heisen bilang sagot.
“Hoy wala Chi, ‘yon na ‘yong tanong niya. Yes naman, napakadali naman ng question mo Mister President. Of course, nagbabalance yong bisikleta kapag minamaneho natin ito dahil sa gyroscopic and caster effect. Easy peasy,“ sagot nga ni Isko at syempre instant ligtas siya sa tanong na ‘yon.
“Wait, mali ‘yong sagot mo. The root cause is a front-loaded steering geometry not the caster and gyroscopic effect,” saad nga ni Heisen.
“Heisen, it doesn’t matter kung tama o mali ang sagot niya dahil ang idinidetect ng device na ‘yan ay kung nagsisinungaling ang isang tao. Eh natural magtatama ‘yan dahil sa isip nga no kuya Isko ay tama ang answer niya,” sagot nga sa kaniya ni Chi dahilan para matahimik siya. Narealize na siguro niya na medyo tanga siya sa part na ‘yon.
“Oh siya, ako naman magtanong,” pambabaling nga ni Samuel sa usapan na mukhang napansin nga rin na medyo nagiging awkward na ang atmosphere between my sister and kay Heisen.
“Kuya Isko, ni minsan ba sa buhay mo ay naging type mo rin si Sasha?” tanong nga ni Samuel kay Isko dahilan para tignan ko si Isko at hinihintay nga ang isasagot nito.
At kita ko ngang medyo nagulat din si Chi sa naging tanong ni Samuel dahilan para mapakunot ito ng noo.
“Ganyan dapat ang ibabatong question Heisen,” sambit ko nga habang natatawa pa rin sa naging tanong niya kanina.
“Oh, ano Isko? Sagot ka na,” baling ko kay Isko na hanggang ngayon ngay hindi pa rin sumasagot sa tanong ni Samuel.
“Hindi. ‘Yan si Chi ay kapatid na ang turing ko sa kaniya maging kay Omicron,” sagot nga nito at tumango nga rin si Chi sa naging sagot nito.
“Tama, ikaw talaga Samuel, kung ano-anong tinatanong mo,” saad nga ni Chi na sinamaan nga ng tingin si Samuel.
At truth nga ang lumabas na result sa naging sagot nito which is inexpect ko na talaga.
“Ang boring naman nitong si Isko. Chi, ikaw na next,” saad ko nga at agad nga itong hinila paupo na sa upuan na noong una ngay nagpigil pa nga at ayaw ngang maisabak.
“Kuya naman eh, bakit ako agad? Hindi ba pwedeng ikaw muna?” reklamo nga nito ngunit wala na ngang nagawa nang ikabit na sa kaniya ni Samuel at Isko ang mga wires.
“Ako ang unang magquequestion sa’yo kapatid,” saad ko nga at tiyaka nginitian siya habang dala ang nakakalokong tingin.
“Kuya, ayos-ayusin mo tanong mo dahil malilintikan ka talaga sa akin,” pananakot nga nito pero hindi niya ako masisindak sa mga pananakot niya dahil kung curiosity talaga ang gumana sa akin ay wala ka ng magagawa at hahanap at hahanap talaga ako ng paraan para masagot ang mga tanong ko sa utak ko.
“First question Chi--- may naging relasyon ba kayo ng Heisen na ito in the past kaya ka galit sa kaniya ngayon dahil hindi maayos ang naging hiwalayan niyo? Chi, imagine you are only 13 years old sa time na ‘yon pero nakikipaglandi ka na? Why Chi? Why?” tanong ko nga rito ngunit tinignan nga lang niya ako ng blangko na tingin at nang tignan ko nga ang iba ay nakatingin nga sa akin kapwa si Heisen at Samuel na tila may mali sa mga sinabi ko.
“Kuya, napakabwesit mo talaga! Bakit ba napaka-oa mo?” bulalas nga ni Chi at nagulat nga ako nang pwersahan niyang inalis ang mga wire na nakakabit sa kaniya at tiyaka nga ako sinabunutan dahilan para mapasigaw ako sa sakit.
“Chi, masakit!” tili ko nga at halos nakahinga nga ako ng maluwag nang bitawan na rin niya ang buhok ko.
“Wala kaming relasyon ni Heisen kuya! Sabi ko na nga ba eh, may binabalak ka na namang kalokohan,” saad nga nito at tiyaka nga bumalik na sa upuan niya at inilagay na muli ang mga wires.
“Eh, ano nga? Ano ngang nangyari sa inyo in the past ha? Bakit parang may malaki kang galit sa lalaking ito?” sunod-sunod ko ngang tanong habang hawak-hawak nga ang ulo ko at minamasahe ito dahil sa sakit.
“And, that is my question Chi, anong nangyari sa inyo in the past ni Mister President?” tanong nga ni Isko kay Chi dahilan para mapatango nga ako ng ilang beses bilang pagsang-ayon sa tanong nito.
“Me and Heisen became friends pero hindi ‘yon naglast dahil—“
Panimula nga ni Chi pero natigilan ito sa kalagitnaan at ngayon ngay diretsong tinignan si Heisen na diretso nga rin siyang tinitignan ngayon dahilan para pumagitna ako sa kanila nang maputol ang pagtititigan nila.
“Dahi ano Chi?” tanong ko nga sa kaniya habang hinaharang pa rin nga ang sarili ko kay Heisen.
“Dahil sa akin,” saad nga ng nasa likod ko dahilan para humarap ako sa kaniya habang seryosong nakatingin dito.
“Pinaasa ko si Chi noon na idadala ko kayo rito sa taas kung tutulungan niya ako sa project ko bilang maging subject ko na siyang magtetest ng ginawa kong gears. At kamuntikan ko na na ngang napatay si Chi dahil sa kapalpakan ng nagawa kong gears. At mukhang hanggang ngayon ay she’s suffering pa rin dahil sa pangyayaring ‘yon,” patuloy nga niya dahilan para mapakamao nga ako nang maalala nang umuwi sila Chi at Isko galing sa cluster 1 noon at napansin ko nga noon na sobrang daming sugat ni Chi sa katawan at lalong-lalo na sa mukha at ulo nito.
At ang sabi nga niya noon ay aksidente lang ang lahat. At simula nga nang araw na ‘yon ay unti-onti na ngang nagbago si Chi at naging mas tahimik na ito at naalala ko pa nga na gabi-gabi siya noong binabangungot at mukhang takot na takot sa pagsabog. At buong akala ko ngay aksidente lang talaga ang lahat noon pero ang totoo pala ay ginago siya ng lalaking ito!
At hindi na nga ako nakapagtimpi pa at sinuntok na nga sa pagmumukha ni Heisen na kaharap ko ngayon dahilan para matumba siya at nang susuntukin ko pa nga sana ulit siya’y hindi ko na nagawa nang pinigilan na ako nila Chi.
“Eh, ikaw naman pala ang may kasalanan talaga sa kapatid ko! Sinamantala mo ang pangarap niya! Gago ka!”
“Kuya, tama na! Ano ba?!”
“Kuya Omicron, huminahon ka dahil baka mahalata tayo at hulihin tayo rito,” saad nga ni Samuel sabay tingin sa mga cctv na nakapaligid sa amin.
“I—Im sorry. I’m sorry Chi.”