Part I: Kabanata 29

1827 Words
September 11, 2029 Helena “Sige Waldo, magbreakfast muna tayo then pagbalik ay pupunta na tayo sa baba,” saad ko nga at tiyaka in-off na nga ang holographic computer ko. “Sige po Doktor Helena mauna na po ako,” paalam nga nito na dali-dali na ngang lumabas sa office dahil mukhang kanina pa nga ata nagugutom. Ngayon ngay palabas na ako sa office at naglalakad na nga papunta sa elevator. Ngunit nang nasa tapat nga ako ng elevator ay natigilan ako nang pagbukas ng elevator ay tumambad sa akin si Heisen na ngayon nga may galos sa mukha at agaran nga niyang pinunasan ang dugong tumutulo sa ilong niya ng nakita niya ako. “H—heisen? Anong nangyari sa’yo?” sunod-sunod ngang tanong ko sa kaniya ngunit umiwas nga lang ito ng tingin at tinakpan ang galos niya sa mukha. “Wala ito Helen, nadapa lang ako,” sagot niya sa akin na lumabas na nga sa elevator at akmang lalagpasan nga ako pero pinigilan ko nga ito at agad na humarang sa daraanan niya. “Sa tingin mo talaga maniniwala akong nadapa ka? Heisen, ilang years na akong nagauautopsy ng mga patay at isa akong certified na pathologist kaya huwag mo akong sinusubukan na lokohin. Sinong nambugbog sa’yo ha?” sarkastikong saad ko nga sa kaniya at diretsahang tinanong na nga siya. “S—si Omicron.” At kalaunan ngay sinagot na rin nga niya ang tanong ko dahil alam namin pareho na hangga’t hindi niya sinasagot ang tanong ko ay hinding-hindi ko talaga siya pipigilan. “Let me guess, alam niya na ‘yong ginawa mo noon kay Chi. At masasabi ko ngang tama lang ‘yong ginawa niya sa iyo. Dahil kung ako ako rin naman kung kapatid ko ‘yong kamuntikan mo nang pinatay ay hindi lang bugbog ang aabutin mo sa akin,” sarkastikong saad ko nga rito ngunit natigilan nga ako nang hindi ito umimik at nakatignin nga lang ng diretso sa akin dala ang walang kaemo-emosyon niyang mata. “Pwede na ba akong umalis?” tanong nga nito dahilan para unti-onti na nga akong umalis sa dadaanan niya. “Heisen, wait,” tawag ko nang hindi pa siya nakakalayo. At tumakbo nga ako papunta sa kaniya at inabot ang panyong nasa bulsa ko. “Make sure to cover your bruises sa mukha dahil kung makita ‘yan ng mga advisers ay baka interrogate ka at alam kong alam mo na ang susunod na mangyayari,” saad ko nga at tuluyan na ngang tumalikod sa kaniya at naglakad na papasok ng elevator. “Helen,” tawag niya sa akin bago ko masara ang elevator. “Can you hack and erase the footage sa rooftop kanina? Ayaw ko namang mas madagdagan pa ang galit sa akin ni Chi sa sandaling malaman ng mga advisers ito at baka parusahan pa ang kuya niya,” saad nga nito at unti-onti nga akong tumango bilang sagot. Omicron “Kuya, dapat hindi mo ginawa ‘yon. Paano kung makita ng mga advisers ang footage kanina? Siguradong masususpend ka niyan at baka hindi lang pag-aassistant ang iparusa sa’yo ng mga ‘yon dahil dalawang beses ka nang lumabag,” sermon nga ni Chi sa akin. “Oo nga Omicron, sa dinami-dami ng pwedeng suntukin, ‘yong mukha pa talaga ng anak ng director,” saad pa nga ni Isko. “Edi magsumbong siya at gamitin niya ‘yang tatay niya. Ipatapon niya rin ako sa dungeon kung gusto niya,” matapang ko ngang sagot sa kanilang dalawa dahilan upang seryoso akong tignan ni Chi na mukhang inis na nga sa akin. “Huwag po kayong masyadong mag-alala, hindi naman po ganoon klaseng tao si Kuya Heisen. Sigurado po akong hindi naman po siya magsusumbong,” saad naman nga ni Samuel. “Anong ginagawa niyo rito?” At halos sabay-sabay nga kaming napatingin sa pintuan ng rooftop nang marinig ang boses ni Helena na nang tignan namin ay nakataas nga ang kilay nito habang nakatingin sa akin. “Ate Helen, kakatapos lang namin magbreakfast pero aalis na rin lang po kami,” sagot nga sa kaniya ni Samuel. “Nagbreakfast lang nga ba talaga kayo or—“ “Binugbog ko ‘yong kupal na Heisen na ‘yon,” saad ko nga na siyang pinangunahan ko na nga sa gusto pa niyang sabihin. “Alam mo bang pwede kang ma-expel at ibalik sa baba dahil sa ginawa?” baling ngang tanong niya sa akin. “And I actually have the footage of you na binugbog mo nga si Heisen. Because of your anger issue ay pwede kang mapatalsik dito sa Mendeleev at maging nga si Chi ay pwede ring madamay sa ginawa mo,” patuloy nga nito dahilan para mabaling nga ang tingin ko kay Chi. Dahil kung sakali ngang madamay siya dahil sa pinaggagagawa ko ay mawawala rin sa kaniya ang pangarap niya. “Kaya Omicron binabalaan kita na ikakapahamak mo lang talaga ‘yang katapangan mo kung hindi mo ito sasabayan ng katalinuhan,” saad pa nga ni Helena bago pa man nga siya tumalikod na at umalis na sa rooftop. “C—chi, sorry kung hindi ko napigilan ang galit ko sa lalaking ‘yon kanina,” panghihingi ko ng tawad kay Chi nang mapagtanto ko ngang hindi ko nga na naman napigilan galit ko at kamuntikan ko na naman ngang ikinapahamak ito at mukhang maging nga si Chi ay pwede ring mapahamak dahil sa katangahan ko. At bago pa man nga ako sagutin ng kapatid ko ay huminga nga muna ito ng malalim at tiyaka nga tinignan ako ng diretso at seryoso. “Basta kuya huwag ka nalang ulit mangialam. Okay na ‘yong ako lang ang magalit kay Heisen dahil sa akin lang naman siya may kasalanan at hindi sa’yo, nor kay kuya Isko. Kaya huwag na kayong magtanim ng galit sa lalaking ‘yon,” saad nga ni Chi na ngayon ngay kinuha na ang bag niya. Chi Ngayon ngay nasa tapat na ako ng pintuan ng lab or office namin ni Heisen at medyo nagdadalawang-isip nga ako ngayon at nag-aalangang pumasok pero bahala na. At nang pagbukas ko nga ng pinto ay tumambad sa akin si Heisen na kasalukuyang inaayos ang mga gears na gagamitin namin mamaya at mukhang hindi nga nito napansin na nandito na ako dahil nakatalikod siya ngayon sa akin. “Heisen,” tawag ko nga na dahilan para matigilan siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin. “Ako na ang hihingi ng tawad sa ginawa ni kuya Omicron.” “Ako dapat ang magsorry at tiyaka dapat lang naman ‘yong ginawa niya ha. Kamuntikan na kaya kitang napatay,” saad nga nito at ngayon ngay pansin kong hindi niya pa rin ginagamot ang pasang natamo niya sa pagkakasuntok sa kaniya ni kuya at mukhang pinunasan nga lang ata niya ito. At dahil nga roon ay kinapa ko nga ang bulsa ko kung may bandage nga rito na kadalasan ngang inilalagay ni kuya Omicron sa mga isinusuot kong mga pantalon para raw laging ready in case na masugatan ako. “Mukhang hindi pa nagagamot ang sugat mo,” saad ko nga sabay abot sa kaniya ng bandage na kami nga mismo ang gumawa kasama ang dalawa kong kuya. May kasama ngang tamarind leaves extract ang bandage nito that can be an antiseptic para maalis ang ano mang bacteria sa sugat niya. ‘Yon lang kasi ang available na tree sa cluster 1 noon kaya napagtripan namin nila kuya Isko at Omicron na gumawa ng bandages. “S—salamat,” sagot nga nito na kinuha na nga ang bandage mula sa akin. “Magpapalit na ako ng gears ha,” paalam ko nga at tiyaka kinuha na ang suit at helmet. “Chi, teka lang—“ At nang akmang papasok na nga sana ako sa CR para magpalit ay natigilan nga ako nang tawagin ako ni Heisen. “Can you still trust me this time?” tanong nga nito sabay tingin sa mga gears na hawak-hawak ko. Dahilan para matigilan ako saglit at maintindihan nga ng tuluyan ang ibig niyang sabihin. “I have no choice but to trust you. At hindi lang naman ikaw ang gumawa nito eh, kundi maging ako. And Heisen, noon, hindi lang din naman ikaw ang gumawa non eh”—sagot ko nga sa tanong niya dahilan para siya naman ang mapatulala at walang masabi ngayon—“and I am really sorry for blaming you for all the damages. Siguro medyo nagalit lang talaga ako sa part na pinaasa mo ako sa time na ‘yon na maaari nga akong makapunta rito sa taas sa sandaling mapagtagumpayan ang mission mo.” “Don’t worry Heisen, kung sakaling mamatay ang isa sa atin dito ngayon ay walang sisihan,” patuloy ko pa nga at nagpasya na ngang pumasok sa CR nang makapagpalit na. At nang maisuot ko na nga ang suit at ang ibang gears pwera sa helmet ay napabuntong hininga nga ako habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. “This is the first mission at kailangan nating mapagtagumpayan ito Chi. Dahil ilang hakbang nalang ay malapit na tayo sa tunay na misyon.” September 3, 2029 “Kamusta na kayong dalawa? Ang laki-laki niyo na ha,” tanong ni Greg na ngayon ngay nakangiting tinitignan sina Chi at Omicron na halos ilang taon na nang huli niyang nakita. “Ayos lang naman po kami Uncle Greg, akala po namin ay hindi na namin kayo makikita simula nang huli po nating pagkikita,” sagot nga ni Chi na tulad ni Greg ay sayang-saya rin ngayon na makitang muli ang Uncle Greg niya. “Eh, ikaw boi? Kamusta ka na?” baling nga ni Greg kay Omicron na akmang aakbayan pa nga nang umiwas nga si Omicron at tinignan lang siya ng blangkong tingin. “Bakit niyo po kami kinakamusta kung inabanduna niyo nga kami sa baba hindi ba?” sarkastikong tanong ni Omicron na dahilan para matigilan at mapabuntong hininga ang Doktor. “Kuya,” suway ni Chi sa kaniyang kuya ngunit hindi nga lang siya nito pinansin. “Mukhang hayahay nga po talaga buhay niyo rito sa taas ha. At mukhang nirerespeto nga po kayo ng halos lahat ng mga estudyante rito” patuloy pa nga ni Omicron habang ngayon ngay naglalakad-lakad na nga at paonti-onting nililibot ang tingin sa opisina ng Doktor. Habang tinitignan isa-isa ang mga certificates at medalya nito. “Omicron, mas gugustuhin ko nalang na manatili kayo sa baba kaysa maranasan niyong mapahirapan dito sa taas,” sagot nga ng Doktor. “Mapahirapan? Eh, andami kayang pagkain dito at maganda ang tutulugan? So, anong mahirap don?” sunod-sunod ngang bato ni Omicron ng mga tanong. “Hindi mo ba nakitang nagpapatayan na ang mga estudyante rito at unti-onti na nga ring nawawala ang moralidad ng bawat tao rito. Ayaw kong maranasan niyo ‘yong dalawa. Dahil hindi maaatim ng budhi kong makita kayong lumaki tulad nila na halos araw-araw ay gustong pumatay ng kanilang kapwa,” saad ng Doktor. “Ngunit narito na kayo kaya’t wala na akong magagawa kundi ipaalam sa inyo ang patungkol sa plano kong pagpapabagsak sa institusyon.” Paliwanag nga ng Doktor na dahilan para magtinginan ang dalawang magkapatid na parehong nagtataka ngayon. “P—plano?” nagtatakang tanong ni Chi. “Noong nalaman ko ngang isa kayo sa mga ipapadala rito ay dali-dali akong pumarito sa Mendeleev Academia para makita kayong dalawa at ipaalam sa inyo ang patungkol sa misyong plinaplano ng institusyon. At sa oras ngang mapasok kayo sa misyon na ito ay maaari niyong mabago ang lahat. Maging ang mismong sistema ng ating bansa,” patuloy pa nga nga Doktor dahilan para mapakunot ng noo ang dalawa na parehas nagtaka sa sinabi nito. “Ano bang misyon ang tinutukoy mo ha?” nagtataka ngang tanong ni Omicron. “Ang misyong pagpasok sa Mikrodunia. Kailangan niyong dalawa na makapasok dito at sa oras ngang mapagtagumpayan niyo ito ay maipapadala kayo sa America at doon ay maaari niyong sabihin sa kanila ang nangyayari sa ating bansa,” sagot ng Doktor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD