Part I: Kabanata 10

2211 Words
January 2, 2022 ~7:00 pm~ Halos magdadalawang araw na ngang panay sigawan at iyakan ngayon ang naririnig ni Chi sa lugar na nasaan siya kasama ang mga lalaking naglayo sa kaniya mula sa kaniyang kuya Omicron. At habang lumilipas ang mga oras ay unti-onti rin ngang nababawasan ang mga tao ngayon sa safe zone. Lalo ngang nauubos ang mga bata na siya nilang paunti-onting itinutulak sa lupa kung saan sunod-sunod ang pagsabog. Dahil habang tumatagal ngay pabawas na pabawas din ang nagiging sakop ng safe zone. Kaya’t ang mga tao nga ngayon ay nag-aagawan na ng pwesto sa gitna kung saan ang hula nilang huling matitirang safe zone. “Saan niyo po idinala ang kuya Omicron ko?” nanginginig ngang tanong ni Chi na ngayon ay hindi pa rin maawat ang pagluha lalo na nang pinaghiwalay sila ng kaniyang kapatid. “Wala na ang kuya mo iha,” simpleng saad ng lalaking nagdala nga kay Omicron sa may danger zone. At ngayon ngay akmang lalayo na sana ang lalaki kay Chi ngunit natigilan ito nang hilahin ni Chi ang ibaba ng damit niya dahilan para unti-unti siyang mapaharap sa batang babae. “A—ano pong ibig niyo sabihin? Saan niyo po ipinunta ang kuya ko? Parang awa niyo na po, ibalik niyo po sa akin ang kuya ko,” sunod-sunod na saad ni Chi na ngayon pa ngay nakaluhod na sa lalaki habang walang humpay sa pagluha dahilan para tuluyang mapabuntong hininga ang lalaki at hindi nga maipagkakaila na nakokonsensya at awang-awa na siya sa batang babae. “Pasensya na bata ngunit kailangan talaga naming magbawas ng tao. At gustuhin ko man o hindi ay ‘yon ang utos ni Mayor. Na batang lalaki raw ang ibawas sa unang araw at itira nga ang mga babae,” paliwanag nga ng lalaki na ngayon ngay nakadikit na ang tuhod sa lupa upang pantayan ang tangkad ng bata. “P—po? P—pinatay niyo po ang kuya ko?” gulat ngang saad ni Chi na ngayon ay tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng luha sa kaniyang mga mata. “Sa tingin mo ba ay pinatay ko siya?” tanong nga ngayon ng lalaki sa bata na ngayon ngay hindi na napigilan ang sarili na yakapin ang bata na hindi nga maawat ang iyak ngayon. “Hindi naman ako ganoon kasamang tao upang patayin ang kuya mo.” “K—kung gayon ay nasaan na po siya?” At dahilan nga ang katanungan ng bata upang mapabuntong hininga ngayon ang lalaki at hawakan ang magkabilaan pisngi ni Chi. “Sumama ka sa akin at pupuntahan natin siya,” bulong ng lalaki kay Chi. _________________________ Makalipas ang ilang minuto ay nakarating ngayon ang lalaki at si Chi malapit sa pinakadulo ng safe zone kung saan wala masyadong tao dahil mausok na nga ang parteng ito. “Isuot mo ito iha,” saad ng lalaki na kung saan ngay may ipinasuot munang oxygen mask at protective glasses sa bata bago sila nagpatuloy sa paglalakad. At sa sandaling palapit na nga sila ng palapit sa edge kung saan ay halos usok na ang bumubungad sa kanila ay nakita ni Chi ang kaniyang kuya Omicron na siya ngang naaninag din ang pagdating nila Chi. “C—chi?” Dahilan nga ito para dali-dali siyang tumakbo upang yakapin ang kaniyang kuya ng sobrang higpit dahil sa sayang malaman na buhay pa nga ito. “K—kuya Omicron, akala ko ay iniwan mo na ako,” nauutal ngang saad ni Chi habang yakap-yakap ang kaniyang kuya. “Akala ko nga rin Chi ay papatayin na ako—“ saad ni Omicron na ngayon ngay ibinaling ang tingin sa lalaking bumuhat sa kaniya kanina na ngayon ngay palapit na sa kanilang dalawa. “Ngunit mabuti nalang at niligtas niya ako” patuloy ni Omicron na ngayon ngay kumawala na sa pagkakayap ni Chi at nginitian nga ng tuluyan ang lalaking nagligtas sa kaniya. ~13 hours ago~ “Isa lang ang matitira. At ‘yon ay ang babae,” saad ng lalaking may buhat ngayon kay Omicron na ngayon ngay nagmadaling naglalakad papunta sa pinaka-gilid ng safe zone dahilan para magsisisigaw si Omicron ngunit tulad kanina ay tila ba walang sinoman ang gustong tumulong dito. At tila baga wala ring naririnig ngayon ang lalaki. “A---ano pong gagawin niyo sa akin? Bitawan niyo po ako! Please po, bitawan niyo po ako!” “Tumahimik ka muna bata, may mga nakatingin sa atin ngayon at sigurado akong naghihintay nalang sila na ihulog kita sa danger zone tulad nang ginagawa nila sa ibang mga bata,” pabulong na saad ng lalaki dahilan para mapatingin si Omicron sa paligid at makita niyang may mga kaparehas din siyang mga bata na buhat-buhat ngayon at ang iba ngay binibitawan nalang basta-basta sa parteng sumasabog ang lupa dahilan para magkadurog-durog ang katawan nila at magtalsikan nga ang mga lamang loob at dugo nila. “G—gagawin niyo rin po ba sa akin ‘yon? Maawa po kayo sa akin, kung mawawala po ako ay wala na pong mag-aalaga sa kapatid ko,” pagmamakaawa nga ngayon ni Omicron dahilan para mapabuntong ng malalim ang lalaki. “Hinding-hindi maaatim ng budhi kong pumatay ng tao bata. Lalo pa’t isa ka lamang bata at malayo pa ang mararating mo. At isa pa, may anak din ako, at kung gagawin ko sa’yo iyong iniisip mo ay parang nilinok ko na rin ang pangaral ko sa anak ko,” bulong na sagot ng lalaki na ngayon ngay naalala na naman ang kaniyang anak na lalaki na namatay nga mula sa pagsabog. “Kung ganon po ay hindi niyo po ako papatayin?” “Ganito bata, sa sandaling itapon kita sa danger zone ay lumayo ka agad ng isang metro mula sa parteng palobo na at tila pasabog na ang lupa. At may sampung segundo ka lang para tumakbo at lumayo mula rito bago pa man ito sumabog,” pabulong nga na paliwanag ng lalaki dahilan para mapakunot ang noo ni Omicron. “Eh, paano ko naman po malalaman na isang metro na ang layo ko mula rito?” nagtataka ngang tanong ni Omicron. Dahilan para mapatingin ang lalaki sa lupang pagtatapunan niya kay Omicron at tila ba dahil nga sa imahinasyon nito ay nakikita nga niya ang distansya o measurement ng iba’t ibang parte ng lupa. At ayon nga sa kalkulasyon niya ay ang malaking bato na nakikita niya sa hindi kalayuan ay nasa 980 cm ang layo mula sa pasabog ng parte. “Nakikita mo ba ang maliking bato na ‘yon?” madaliang tanong ng lalaki at tumalikod nga upang makita ng buhat-buhat niyang si Omicron ang batong tinutukoy niya. “Diyan na batong ‘yan ka pupunta,” madalian niyang saad at tiyaka laking gulat nga ni Omicron nang biglang itaas ng lalaki ang paa nito at ininspeksyon nga ang sukat nito. “Nasa 12.3 cm ang sukat ng paa mo kaya mula sa batong ‘yon ay maglakad ka ng isa’t kalahating hakbang at doon ka manatili hanggang hindi pa natatapos ang pagsabog. At pagkatapos ng pagsabog ay mabilisan kang tumakbo pabalik sa akin. Mas maganda kung dumaan ka sa may usok nang hindi ka nila mapansin,” mabilisang saad ng lalaki. “Naiintindihan mo ba bata?” tanong nga ng lalaki na ngayon ay nakaposisyon na para ibato ang bata. “O—opo,” pabulong na sagot ni Omicron na nauutal pa nga ngayon dahil sa kaba. Dalawang segundo bago sumabog ang lupang nagkacrack na. At halos nasa nine meters ang pagitan ng bawat parteng sumasabog. “Pasensya na iho ngunit kailangang bawasan ang lugar na ito,” huling saad ng lalaki na nilakasan pa nga niya bilang pagkukunwari bago pa man nga niya bitawan si Omicron sa labas ng safe zone dahilan para sumigaw ito ng pagkalakas-lakas na rinig ngayon ng mga tao. At ngayon ngay nakapikit ang lalaking nagbibilang ng sampung segundo bago pa man niya marinig ang pagsabog. Makalipas nga ang sampung segundo ay sabay-sabay na ngang sumabog ang mga active na lupa. At ngayon ngay kinakabahan pa ang lalaki at hindi mapakali dahil hindi pa rin lumalabas ang batang lalaki mula sa pagsabog. Pero ilang segundo ang lumipas ay lumabas din ito mula sa pagsabog dahilan para dali-dali siyang buhatin ng lalaki at madaliang tumakbo upang lumayo sa lugar nang hindi siya napapansin ng ibang tao na kaparehas niya ay inutusan ding pumatay. “S—salamat po,” saad ni Omicron na ngayon ay hingal na hingal at naghahabol ng hininga habang buhat-buhat pa rin siya ng lalaki palayo. “Tiyaka mo nalang ako pasalamatan kung nailigtas na talaga kita,” sagot ng lalaki. September 3, 2029 Helena “Sinong may gawa nito?” ulit kong tanong pero ni isa ngay wala pa ring sumasagot at tila dumaan nga lang na hangin ang katanungan ko. Dahilan para mabilisan kong ilabas ang pocket gun ko at tiyaka nga ipinutok ito sa bubong dahilan para makuha ko na nga sa wakas ang mga atesyon nila. “H—hoy Helena, b—bakit may baril ka ha?” tanong nga ni Omicron na ngayon ngay mukhang gulat na gulat sa ginawa ko at magpahanggang ngayon ngay nasa labas pa rin siya at hindi makatingin sa bangkay na nakasabit. Pero hindi ko lang siya pinansin at ibinaling na nga muli ang atensyon ko sa mga estudyante ng Block A. “Uulitin ko, sinong may gawa nito!?” pasigaw na tanong ko sa kanila. “I did it. Bakit Miss President? May angal ka ba?” sagot at sarkastikong tanong ni Yannie na tinaasan pa nga ako ng kilay dahilan para mapabuntong hininga ako dahil sa inis. “Oh, you did this?” tanong ko nga ulit sabay turo sa bangkay. “Yes, paulit-ulit tayo Doc Helen?” pagtataray pa nga niya dahilan para unti-unti ko siyang lapitan. “Then”—saad ko rito habang idinidikit ang paanan ng baril sa bawat parte ng mukha niya—“freaking clean your mess.” “Oh, come on Helen, that’s your job. Kaya huwag mo nga akong utusan na linisin ‘yan,” sagot niya na inirapan pa nga ako dahilan para hindi na ako nakapagtimpi at sinampal ko na siya nang tuluyan dahilan magsitayuan ang lahat at ituon ang atensyon sa amin. “H—how dare you? Hindi porket doktor ka, anak ka ng isang Heneral at presidente ka ng buong paaralan ay pwede mo na akong ganituhin. Anak din ako ng isang Heneral, remember?” gulat ngang bulalas ni Yannie na ngayon ay hawak-hawak na ang namumula niyang pisngi. “I said, clean—your—m—mess,” dahan-dahan na saad ko at ngayon ngay ikinasa ko na nga ang baril na nakatutok sa kaniya dahilan para mataranta ito manlaki ang mata niya sa gulat. Avisos Importantes de Mendeleev #02 ¡Limpia tu desorden! “Wala akong pakialam kung anak ka ng isang heneral o kahit pa na anak ka ng Direktor ay wala akong pakialam?” sarkastiko kong saad sa kaniya habang nakatingin ng diretso sa mata niya. “F—fine.” At sa huli ngay ako rin lang ang nasunod because that is Order Number Two of the Mendeleev By Laws. At kung sino mang lumabag dito ay hindi ako magdadalawang isip na gawin ko ang ginawa niya sa namatay na estudyante. “Omicron, tara na,” saad ko bago pa man naglakad na palabas pero napatigil nga ako sa paglakad palayo nang maramdaman kong hindi sumusunod sa akin si Omicron bagkus ay naiwan pa rin ito sa tapat ng pintuan ng Block A. “Omicron? Tara na!” tawag ko rito at unti-onti nga itong humarap sa akin at hindi man lang magsalita bagkus ay tinititigan lang ako. Dahilan para taasan ko siya ng kilay at nilapitan na nga siya sa kinatatayuan niya. “Hoy tara na, ano ba!?” tawag kong muli sa kaniya. “A—ano ‘yon? Bakit may patay? At bakit ka nantututok ng baril?” sunod-sunod na tanong niya na ngayon ngay mukhang gulat na gulat at hindi makapaniwala sa mga nasaksihan niyang pangyayari. He won’t survive kung ganyan na agad ang reaksyon niya kahit na umpisa pa lamang ng laro. “The by laws. ‘Yan ang sinasabi kong Mendeleev Omicron” saad ko at tiyaka mas lumapit pa nga sa kaniya at hinila na nga siya palayo sa room na ‘yon dahil sobrang dami pa naming room na pupuntaha at umpisa pa nga lang ito. At sigurado akong may mas malala pa kumpara sa Block A. “B—by laws? Anong ibig mo sabihin?” sunod-sunod nga niyang tanong dahilan para mapatigil ako at bitawan ang kamay niya. “’Diba sabi ko sa inyo hindi ordinaryong paaralan ang papasukan niyo? Hindi ako nagkulang ng paalala. Ano bang ineexpect niyo? Normal na paaralan ito na makikita niyo sa mga movies bago mangyari ang pagsabog? Omicron, hindi na normal ang panahon ngayon. Wala ng normal,” diretsahang saad ko dahilan para mapaiwas nga siya ng tingin. “Eh, bakit hindi mo naman sinabi noong nasa baba pa tayo? Edi sana mas pinili nalang namin ni Chi na sa baba nalang kami. Kung alam ko lang na ganito pala kahayop ang lugar na ito edi sana—“ “Edi sana ano? Pinigilan mo nalang sana si Chi na pumunta rito? Come on Omicron, anong mas pipiliin mo, ang mamatay kayo ng walang laban? Eh, dito sa taas may laban ka kahit papaano. Eh, sa baba? Meron ba? Papatayin ka lang din naman nila doon kahit anong magawa niyo hindi ba? Pero dito sa taas, kung may nagawa kang maganda na magagamit ng mga nasa posisyon ay siguradong mabubuhay ka,” sunod-sunod na saad ko at mukhang naintindihan naman niya ang ibig ko sabihin dahil tuluyan na nga siyang natahimik ngayon. “Mabuti pa’t halika na dahil marami pa tayong aasikasuhin. May nwebeng blocks pa Omicron,” saad ko at sinimulan ko na ngang maglakad papunta sa Block B. At laking pasasalamat ko nang sundan naman na niya ako ngayon. Pero halos sabay kaming napatigil nang biglang may tumalsik na organ mula sa room ng Block B. At ngayon ngay halos maglakihan ang mga mata ni Omicron dahil sa gulat. “L—lungs ba ‘yan?” gulat na tanong ni Omicron na ngayon ngay takip-takip na niya ang bunganga niya at mukhang nasusuka pa nang dahil muli sa pina-intense na brutality na nasaksihan niya “Nasa Block B palang tayo Omicron.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD