Helen
“H—heisen? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko dahil sa gulat na makita siya at dahil na rin sa hiya nang makita niya kami ni Mister Rivera.
Sa sobrang tanga naman kasi nitong Omicron na ito at hinila ‘yong kumot na kasalukuyan kong tinatapakan kanina kaya ‘yan tuloy muntikan na akong natumba at mabagok ang ulo ko.
“Nagpunta ako rito para sana sunduin ka. Sabi kasi ni Doc Steph ay nandito ka raw kaya agad akong pumunta rito. P—papasok ka na rin ba?” paliwanag at tanong niya dahilan para mapakunot ako at magtaka.
Why is he acting like we are okay?
Heto na naman ba tayo Heisen?
Nakalimot ka na naman ba sa ginawa mo sa akin?
“Hoy Helena, bakit ba kasi nandito ka ha?” singit na tanong ni Omicron na ngayon ay nagkakamot na nga ng napakagulo niyang buhok.
“Eh, hindi ba nga magiging assistant starting today? I have already explained it to you kaya huwag ka ngang umasta na nakalimutan mo,” saad ko sabay emphasis ng huling sentence kasabay ng saglitang pagbaling ko ng tingin kay Heisen.
“Kaya maligo ka na Mister Rivera, para naman makapasok na ako,” patuloy ko pa sabay tingin sa kaniya ng masama.
“Kung mauna nalang kaya tayo Helen sa pagpasok? Dahil mukhang matatagalan pa naman itong si Mister Rivera,” suhesyon ni Heisen na ngayon ngay ibinaling pa ang tingin kay Omicron. Pero hindi ko nga lang siya pinansin at nanatili lamang nga ang tingin ko kay Omicron.
“Hoy sige na Mister Rivera, maligo ka na,” pambabaling ko ng usapan at tiyaka itinulak na nga ito papasok ng cr kasama ang maleta niya at isinara na ang pintuan.
“Maligo ka na diyan!” sigaw ko mula rito sa labas.
“Helen, sumabay ka na sa akin. Mukhang matagal pa ‘yan—”
“Hihintayin ko nalang siya. Mauna ka na, baka malate ka pa at ako na naman ang sisihin nila” sarkastikong saad ko at tinalikuran na muli siya pero napapikit na lamang nga ako nang hawakan niya nga ang kamay ko kaya naman nagpasya nga akong harapin siya at seryosong tignan ito. At tiyaka ko nga pwersahang inalis ang nakahawak niyang kamay sa kamay ko dahilan para mapakunot siya ng noo.
“Heisen, huwag ka ngang umastang okay tayo. Dahil kung sa tingin mo kakausapin nalang kita bigla ay nagkakamali ka. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo Heisen. Kaya please lubayan mo muna ako,” saad ko at tiyaka nga ulit tumalikod sa kaniya na ngayon ngay napasinghap na lamang ako dahil parang nakokonsensya ako sa mga pinagsasasabi ko.
“S—sorry,” rinig kong sambit niya at naramdaman kong tila naglalakad na nga ito palayo sa akin.
At nang masiguro kong umalis na ito nang narinig ko ngang nagsara na ang pintuan ay nga akong napaharap dito para siguraduhing wala na talaga siya.
Heisen
“Heisen,” bungad sa akin ni Zild nang makapasok na ako sa classroom.
“So, nasaan na si Doc Helen?” nagtatakang tanong nito at napailing naman ako bilang sagot.
“Ayaw pa rin akong kausapin eh. Mukhang nasaktan ko nga talaga siya” sagot ko sabay upo na sa upuan.
“You should have trusted me kasi. Sabi ko naman sa’yo eh, may galit pa sa’yo ‘yon dahil hindi lang naman kasi pambabusted ang ginawa mo roon,” sarkastikong saad niya dahilan para tignan ko siya ng diretso.
“What do you mean?” diretsahang tanong ko rito na siya ngang nginisian lang ako at unti-unting lumapit sa akin.
“Talaga bang gusto mong sabihin ko ngayon ang patungkol sa gabing ‘yon?” pabulong nitong tanong dahilan upang mapaiwas ako ng tingin at itulak siya palayo.
“Huwag ka namang masyadong seryoso diyan Doc Heisen. I am just kidding at isa pa alam mo namang nangako ako sa tatay mo na walang ibang makakaalam non,” muling bulong niya. At nang dahil na nga sa inis ko sa sinabi niya ay nagpasya na nga akong tumayo sa kinauupuan ko. Dahil baka hindi ko lang mapigilan ang sarili ko at baka madurog ko lang ng tuluyan ang pagmumukha niya.
“Oh, pres, saan ka pupunta? May klase pa tayo,” tawag sa akin ni Zild nang nagpassta na nga akong lumabas muna sa room pero dirediretso lang akong naglakad palabas nang hindi siya sinasagot.
Chi
“Guys, will you please shut your mouth. May mga bago tayong mga kaklase oh,” saad ng isang lalaki na ngayon ay nakatayo sa harapan klaseng papasukan namin ni Kuya Isko.
Napunta ako sa Block C kung saan kasama ko si Kuya Isko. At samantalang si kuya Omicron naman na nasuspend nga ng 1 week ay sa Block A napunta.
“Siguro naman alam niyo na kung anong gagawin ng isang new students ano?” tanong nong lalaki sa akin dahilan para mapakunot ako ng noo at mapaisip sa sinabi niya.
Shall we introduce ourselves?
‘Yon ang pagkakaalala kong ginagawa ng isang new students bago pa man nagkaroon ng apocalypse. Normal na paaralan ang Mendeleev at siguro naman ‘yon nga ibig sabihin nong lalaki.
Kaya naman nagpasya na akong maunang pumunta sa platform na kinatatayuan ng lalaki kanina dahilan para makita ko totally lahat ng mga kaklase ko na siya rin ngang nakatuon ang atensyon sa akin.
“H—hi, I’m Chi Sasha Rivera and—“
“What are you doing?” putol sa akin nong lalaki kanina na ngayon ngay nagpipigil ng tawa at nang tignan ko nga ang iba ay nagpipigil na rin sila ng tawa ngayon. And ang unang pumasok na katanungan sa utak ko ay kung bakit nga sila nagpipigil ng tawa. Am I doing it wrong?
“I—I am introducing myself. Hindi ba ‘yon naman ang ginagawa ng isang new student?” sagot at tanong ko na ngayon ngay nagtawanan na nga silang lahat at nang tignan ko nga si Kuya Isko at ang ibang new students na kasama namin ay kapareho ko lang din silang nakakunot ang noo.
“Saang taon ka ba galing at ‘yon ang naisip mong ibig ko sabihin? Chi right?” sunod-sunod na tanong nong lalaki at tumango naman nga ako bilang sagot sa panghuli niyang tanong.
“Hindi man lang ba kayo in-orient ng cluster leader niyo bago kayo pumasok ngayong araw na ito?” patuloy na tanong niya na hanggang ngayon ay tawang-tawa pa rin katulad ng ibang estudyante.
Dahilan nga para mapatingin ako kay Samuel na siyang kaklase rin naman at na siyang cluster leader namin. Ngayon ay umiwas ito ng tingin dahilan para tumaas ang kilay ko nang dahil sa gulat.
“You’re supposed to kneel down to the president. And I am the president of this block. Kaya kayong mga bagong estudyante, in case you don’t know yet, I am the leader of this block at lahat ng utos ko ay dapat niyong sundin,” paliwanag ng lalaki dahilan para mapakunot ako ng noo.
Avisos Importantes de Mendeleev #01
Respeta la Institución
Seryoso ba siya?
Ano ‘to may hierarchy maging dito sa Mendeleev Academia?
“Oh, bakit parang gulat na gulat ka Chi?” nagtatakang tanong niya na mukhang napansin nga ang naging reaksyon ko sa sinabi niya.
“Anong kneel down ang pinagsasabi mo ha? Ano kami alipin niyo? Pare-parehas lang tayong estudyante rito ha,” singit ni kuya Isko na ngayon ngay nilapitan na ako at pansin ko ngang tensyonado ito ngayon dahilan para hawakan ko ang pulso niya para pakalmahin.
“Kuya Isko, huminahon ka lang,” bulong ko rito.
“H—huminahon? Chi, seryoso ka ba? Kung nandito lang ang Kuya Omicron mo ay sigurado akong inupakan na niya ang ugok na ito,” sagot niya dahilan para mapabuntong hininga ako at ibaling ang tingin ko roon sa lalaki na ngayon ay palapit na sa amin.
“Ugok? At sino ka naman para sumabat sa usapan ng iba? And doon sa tanong mo kung alipin ko ba kayo. The answer would be yes, alipin lang namin kayo”—saad nong lalaki na siya ngang palapit ng palapit ngayon sa kinatatayuan namin ni Kuya Isko—“ “Kayong mga bagong estudyante, mga palamunin lang kayo rito sa taas. Kaya dapat lang na luhuran niyo ako para masanay kayong respetuhin kung sinong nasa taas ninyo.”
At dahilan nga ang sinabi nito upang pwersahan nga ngayon alisin ni Kuya Isko ang pagkakahawak ko sa kaniya upang suntukin ang lalaki pero laking pasasalamat ko nang agad na pumagitna si Samuel sa dalawa.
“Enrile, tama na nga,” mariin na saad ni Samuel nang ilabas nga nong lalaki ang isang baril mula sa kaniyang bulsa at itinutok ito kay Kuya Isko. Pero tumawa nga lang ‘yong Enrile bilang sagot kay Samuel.
“Hindi ba sabi ko ayaw ko ng sumasabat sa usapan?” saad ni Enrile at laking gulat ko nga nang tumakbo siya para suntukin ng pagkalakas-lakas si Samuel dahilan para matumba ito sa sahig.
“Hindi ba sabi ko tama na?” saad naman ngayon ni Samuel na agarang tumayo para bawiin ng suntok si Enrile na dahilan para matumba ito at pagsusuntukin nga siya ng diretso ni Samuel habang nakahiga na ito sa sahig.
Pero ang ipinagtataka ko ngayon ay walang pumipigil ni isa sa mga kaklase namin sa dalawa bagkus ay may sari-sarili na silang mga mundo ngayon na tila nga walang nangyayari sa harapan nila,
“Chi, huwag ka ng mangialam,” pigil sa akin ni Kuya Isko nang akmang maglalakad nga sana ako para pigilan na sila Samuel.
“At sa tingin niyo ba may normal pa sa panahon na ito? Masanay na kayo dahil hindi normal na paaralan ang pinasukan niyo,” saad ngayon ng isang babae na nasa likod namin ni Kuya Isko dahilan para sabay kaming mapaharap dito.
Kulay blue ang maikling buhok nito na ngayon ngay nakangisi pa habang pinagmamasdan ang dalawang nag-aaway sa harapan namin.
“Mabuti pa’t umupo na kayo sa mga upuan niyo dahil mamaya pa titigil ang dalawang ‘yan,” patuloy ng babae na ibinaling nga ang tingin sa amin habang isa-isa kaming inuusisa.
“Hindi titigil ang mga ‘yan kung walang pipigil sa kanila,” saad ko dahilan para matigilan ang babae at ibaling ang tingin sa akin sabay taas ng isa niyang kilay.
“At sinong pipigil sa kanila? Ikaw?” sunod-sunod nitong tanong. “Alam mo, ikapapahamak mo lang ang pagiging pakielamera mo. Kaya kung ako sa’yo, habang maaga pa ay dapat matutunan mo nang huwag mangialam ng buhay ng ibang tao.”
At dahilan nga ang sinabi nito upang tuluyan akong matigilan.
“Titigil lang ang mga ‘yan kung may patay na sa kanila,” patuloy niya at tiyaka nga tumalikod na dahilan para unti-unting manlaki ang mata ko dahil sa gulat.
“K—kuya Isko, kailangan natin silang pigilan,” saad ko pero hindi pa rin niya ako binitawan at umiling nga lang ito bilang sagot.
“Chi, hindi mo ba talaga naintindihan ang sinabi ng babae? Sa sandaling mangialam tayo diyan ay madadamay na tayo sa laro nila. At maaaring—“ saad pa niya pero hindi ko na siya pinatapos bagkus ay sapilitan ko na ngang inalis ang pagkakahawak niya sa akin at agarang pinuntahan ang dalawa.
“Chi!”
Helena
“Ano tara na?” bungad sa akin ni Mister Rivera na ngayon ngay nakabihis na at suot na rin ang isa sa mga uniporme na ibinigay ng Mendeleev.
“Ano sa tingin mo ha? Eh, halos isang oras ka nang nag-aayos at late na late na talaga ako sa pagi-evaluate,” sagot ko rito na siya ngang inirapan ko. “Kunin mo na ‘yong bag mo at tara na.”
At inaasahan ko ngang kukunin na nito ang bag niya pero nang tignan ko siya hindi pa rin nga siya kumikilos.
“Hey, Mister Rivera! Ang sabi ko kunin mo na ‘yong bag mo!”
“B—bag? Ito oh bag,” saad niya at tiyaka inilabas nga ang isang cellular phone mula sa pocket niya na siyang ipinagtaka ko.
“Pinaglololoko mo ba ako? Eh, isang napakalumang cellular phone ‘yang hawak mo ngayon. In case hindi mo alam kung ano ang bag ay ganito ‘yon oh,” saad ko nga rito sabay pakita sa kaniya ng sling bag na dala ko.
“Excuse me, hindi lang ito isang ordinaryong smart phone no. Dahil lahat ng gamit ko ay narito sa cellphone na ito,” saad niya at tiyaka nga may kung anong pinindot sa cellphone niya dahilan para maglabas ito ng isang bag na hologram.
“Wow, bag nga ‘yan. But that is a freaking hologram—“ saad ko pero laking gulat ko nga nang hawakan niya ang hologram at maging isang tunay na bag ito.
“T—teka, paano mo nagawa ‘yon?” nagtatakang tanong ko dahil sa pagkamangha at gulat sa ginawa niya.
“Chi.” saad niya at tiyaka isinuot na nga ang bag niya. “Isa sa mga inembento ni Chi.”
At dahilan nga ito upang mapatango at ako at hindi maiwasang matuwa sa nakita ko.
“Your sister is really a genius.”
“She is.”
_________________________
Narito na nga kami ngayon ni Omicron sa elevator papunta sa floor kung saan naroon ang mga classrooms. At magpahanggang ngayon ngay walang sawa ko pa rin siyang kinukulit sa hologram niya at tinatanong nga kung paano nagawa ito ni Chi.
“Alam mo ang ganda ng invention na ‘yan ni Chi. At ngayon ko nga lang nakita ang ganiyang klaseng invention. Sigurado akong matutuwa ang admin kung iprepresent natin ‘yan sa kanila,” saad ko pero umiling nga lang ito bilang pagtutol at tumigil nga ito sa paglakad dahilan para matigilan din ako.
“At ‘yon ang siyang hindi mo gagawin,” saad nito na dahilan upang mapakunot ako ng noo. “Kung sakaling malaman nila ang patungkol dito ay baka sila lang na naman ang makikinabang.”
At nang akmang magtatanong pa sana ako ay parehong nabaling atensyon namin sa nagbukas ng elevator at sa kalambog na nagmumula nga sa pinakaunang room malapit sa elevator. Na sinundan pa nga ng sunod-sunod na kalambog at ingay mula naman sa iba pang mga klase.
Dahilan nga ito para mapabuntong hininga ako at tignan si Mister Rivera.
“Welcome to Mendeleev,” saad ko rito dahilan para mabaling ang tingin niya sa akin. At halata ko ngang takang-taka ito sa nangyayari.
“Halika na, marami pa tayong liligpiting mga katawan.” saad ko at tiyaka na nga naglakad papunta sa unang classroom. “Panibagong araw, panibagong mga bangkay.”
“A—anong ibig mo sabihin?” nagtatakang tanong nito pero hindi ko nga lang ito sinagot bagkus ay tuluyan ko nang binuksan ang pintuan ng Block A.
At tumambad nga sa amin ang isang bangkay ng lalaki na nakabitin mula sa kisame.
“T—teka, ano ‘to?” gulat na tanong ni Omicron na napaatras pa nga palabas dahil sa bangkay na ngayon ngay fresh na fresh pa ang dugong lumalabas mula sa bibig nito.
At napabuntong hininga na lamang ako at hindi muna siya hinarap para sagutin. Bagkus, ay naglakad nga ako palapit sa bangkay at hinarap ko ngayon ang buong Block A na ngayon ay abala na sa kani-kanilang study sessions.
“Sinong may gawa nito?” walang gana kong tanong sa kanila.