Part I: Kabanata 8

1175 Words
Helena “Hey, wake up!” Narito ako ngayon sa kwarto ng Cluster 5 to freaking wake up Mister Rivera na halos sampung minuto ko nang sinusubukang gisingin dahil oras na para pagbayaran niya ang suspension niya. “T—teka lang,” saad nito habang nagtatakip pa ng unan ang tenga niya. Dahilan para mapahinga ako ng malalim at hindi na nga makapagtimpi at inalis ang unan na pinantatakip niya sa tenga niya. “If I have commanded you to wake up.” inis na saad ko at tiyaka ko siya hinila paibaba paibaba sa sofadahilan para mapasigaw siya sa sakit nang pagkakahulog niya. “Wake up!” “Ano ba? Bakit ka ba nang-iistorbo ha? Eh hindi ba suspended naman ako?” sunod-sunod na tanong nito sabay kamot pa nga ng kaniyang ulo. Mukhang nainis siya sa ginawa ko pero mas bwesit na bwesit pa rin ako sa kaniya dahil sa kakupalan niya. “Kaya nga dapat bumangon ka na diyan dahil kailangan mo na akong pagsilbihan bilang parusa mo,” sarkastikong sagot ko dahilan para mapatingin siya sa akin na wala man lang kaekspreekspresyon ang mukha niya habang gulong-gulo nga ang buhok nito ngayon. “T—teka, anong pagsisilbihan ang pinagsasasabi mo diyan ha?” tanong niya na ngayon ay napaupo na sa sahig habang gulo-gulo pa rin ang buhok at mukhang balak pa nga niyang ipatong ang ulo niya sa sofa para matulog ulit pero agaran ko ngang inilagay ang paa ko rito mahinang inilayo ang ulo niya mula rito. “At huwag na huwag mo nang susubukang tulugan muli ako dahil tatayo ka na riyan, mag-aayos at magiging assistant ko for three days. At magiging assistant ka naman ni Heisen ng 4 days,” paliwanag ko dahilan para matigilan siya. “At ‘yon nga ang magiging parusa mo dahil sa kagaguhang ginawa mo kahapon.” “A—ano? Eh, s—sino ba kayo para—” unti-unting saad nito na siyang matagumpay na nga ngayong naipatong ang ulo niya sa sofa nang hindi ko man lang namalayan dahilan para sigawan ko siya ng pagkalakas-lakas na siyang dahilan para manlaki ang mga mata niya nang dahil sa gulat. “Hoy! Hindi ba sabi ko huwag na huwag mo nang susubukan pang matulog ulit!” “Matutulog pa nga kasi ako eh,” saad nito na siyang hawak-hawak na nga ngayon ang dibdib niya nang dahil sa gulat. At nang dahil sa sobrang inis ko ay hindi ko na nga napigilan ang sarili kong sabunutan siya patayo dahilan upang mapasigaw siya sa sakit at panigurado naman na sigurong magigising na ito nang dahil sa sabunot ko. “Heto na, heto na. Tatayo na! Kailangan pa talagang manakit ha?” Sunod-sunod ngang sigaw nito na siyang padabog na ngang tumayo at sinamaan ako ng tingin na siyang tinaasan ko naman nga ng kilay. “Kailangan ka pa talagang saktan para lang sumunod ka?” sarkastikong tanong ko pero hindi lang ito sumagot at unti-onti na ngang inayos ang mga gamit sa sala. “Ang gulo mo talaga no. Pati mga gamit mo hindi mo man lang maayos. First day mo palang sa Mendeleev Academia pero sobrang kalat mo na. I wonder kung makakatagal ka ba rito? Or should I bet na baka wala pang isang linggo ay matatanggal ka na rito?” sunod-sunod ko ngang tanong rito habang nakangising sinisilayan siya ngayon. “Pati ba naman ugali ko papakialaman mo? Alam mo, ang pakielamera mo talagang babae ka no?” sunod-sunod na sagot nito na dahilan para manlaki ang mata ko sa inis. “Aba’t da—“ “H—helen?” Heisen “Doctor Heisen, mauna na po kami ni Doktor Zild,” paalam sa akin ni Samuel nang mauna nga silang makaayos ng mga gamit nila para sa pagpasok sa klase. “Sige. Puntahan ko pa kasi si Helen eh,” sagot ko na dahilan para tignan ako ng dalawa ng isang mapang-asar na tingin na siya ngang kinunutan ko ng noo. “B—bakit ganiyan kayo makatingin ha?” “Alam mo bang nagmumukha ka na talagang tanga Heisen nang dahil diyan sa mga pinaggagagawa mo?” sarkastikong tanong ni Zild na nakangisi pa nga ngayon. “B—bakit? May masama ba sa gagawin ko? Susunduin ko lang naman ang isa sa mga kaibigan natin ha,” sagot ko sabay bato ng holographic capsule ko papunta sa bag ko. “Kasi diba, noon si Helen ang habol ng habol sa’yo? Tapos, binusted mo siya and then biglang isang araw nagkainteres ka sa kaniya at habol ka na ng habol sa kaniya to the point na na-annoy mo siya sa kakahabol mo. Hindi ba ito pa nga ang dahilan kaya siya sumama kay General Garcia papunta sa baba para makaalis saglit sa kakahabol mo sa kaniya?” paliwanag ni Zild na dahilan upang mapaiwas ako ng tingin. “Hindi ko siya hinahabol. Talagang gusto ko lang talagang makausap siya para magsorry sa nagawa ko sa kaniya. Pero hindi niya pa rin ako pinapansin hanggang ngayon simula noong—” “Sino ba namang tanga ang papansin sa’yo. Eh, kung ako talaga si Miss President ay hindi kita papansinin,” saad ni Zild na dahilan para mapabuntong hininga ako at mapuntang muli ang tingin ko sa kanila. _________________________ Narito ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Helen at inaantay siyang lumabas pero trenta minutos na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito lumalabas. “Oh, Doctor Heisen, bakit nandito ka pa? May inaabangan ka ba?” bungad ni Stephanie na siyang inakala ko noong una ay si Helen na nga ito. “N—nandiyan pa ba si Helen sa loob?” nag-aalangan na tanong ko rito. “Kanina pa siya umalis. Maaga itong umalis para sunduin ‘yong suspended na new student,” sagot niya na dahilan para mapakunot ako ng noo. “Kung gusto mo ay puntahan mo nalang siya kung sakaling nanduon pa siya. Doon lang ‘yon sa ibabang floor. Sa Cluster 5” suhesyon niya na dahilan para mapatango nga ako. “Gracias Doctor Stephanie.” _________________________ Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukute ko at pumunta nga ako rito sa tapat ng kwarto ng Cluster 5 at nagbabakasakali ngang narito pa si Helen. “Hoy! Hindi ba sabi ko huwag na huwag mo nang susubukan pang matulog ulit!” sunod-sunod na sigaw mula sa loob na narecognize ko na agad na si Helen ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon. Kaya naman napalapit ako agad sa pintuan upang mapakinggan kung anong nangyayari sa loob. Pero napalayo rin lang ako agad sa pintuan nang marealize ko na nagmumukha na akong tanga. Am I really doing this again? “Pati ba naman ugali ko papakialaman mo? Alam mo, ang pakielamera mo talagang babae ka no?” rinig ko ulit na sigaw mula sa loob dahilan para magdecide ulit ako na lumapit sa pintuan out of curiosity. At sa pagkalapit na pagkalapit ko sa pintuan ay nanlaki ang mata ko sa gulat nang makarinig ako ng pagkalakas-lakas na sigaw na kung hindi ako nagkakamali ay galing kay Helen kaya naman agad akong napaslide ng access card ko sa sensor para mabuksan agad ang pintuan. _________________________ “H—helen?” nag-aalalang sambit ko nang mabuksan ko ang pintuan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadatnan ko ngayon na hawak-hawak na nong new student si Helena sa balikat at mukhang iniligtas nga niya ito sa pagkakatumba dahil parang ganun ang ipinapahiwatig ng posisyon nila ngayon. At mukhang napansin naman ni Helen na nakatingin ako sa kamay ni Omicron na nakahawak sa balikat niya kaya’t agad-agad itong napaayos at lumayo mula sa new student. “H—heisen? Anong ginagawa mo rito?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD