“Chi!”
Dali-dali ngayong niyakap ni Omicron si Chi nang tuluyan nilang masira ni Isko ang tube.
“Tara na Omicron, pumunta na tayo sa safe zone,” nagmamadaling saad ni Isko at tiyaka na nga tinulungan si Omicron sa paglabas kay Chi mula sa tube.
At buhat-buhat nga ngayon ni Omicron si Chi papunta sa platform or the safe zone na siyang noong pagkatapak na pagkatapak nila rito ay agad-agad nga silang itinaas nito papunta kung saan naroon ang Cluster A.
“Chi, you’re safe now,” saad ni Omicron na siyang ibinaba na ang katawan ni Chi sa sumalubong sa kanilang stretcher.
_________________________
“Chi?” tawag ngayon ni Omicron sa kaniyang kapatid nang unti-unti itong magkamalay. “M—may masakit ba sa’yo? Ayos na ba ang pakiramdam mo Chi?”
Unti-unti rin naman nga ngayong tumango si Chi bilang sagot na siyang medyo hirap pa rin pa nga sa paghinga at hindi pa makasalita ngayon.
“Chi, mabuti pa at magpahinga ka nalang muna,” saad nga ngayon ni Isko na siya ngang niyaya munang umupo si Omicron sa sofa malapit sa kinahihigahan ni Chi.
“Pre, magiging maayos din ang kalagayan ni Chi,” saad nga ngayon ni Isko nang kapwa na sila makaupo at napahinga rin naman nga ng malalim si Omicron na siya na rin ngang unti-unting tumango at huminahon.
Ngunit natigilan nga ngayon ang dalawa nang bigla ngang magbukas ang pintuan ng kwarto at unti-unting pumasok mula rito si Samuel.
“I—I just want to make sure—“
“Make sure what? Na ayos lang si Chi?” sarkastikong tanong nga ni Omicron na siya ngang tumayo ngayon mula sa pagkakaupo at akmang susuntukin nga si Samuel ngunit agaran siyang napigilan ni Isko.
“Mamatay tao pala kayo dito sa taas eh. Kung alam ko lang na ganitong klaseng pagsubok ang kakaharapin namin ay hindi ko nalang sana pinayagan si Chi sa pagpunta rito!” sunod-sunod na sigaw ni Omicron na siya ngang pwersahang inalis ang pagkakahawak sa kaniya ni Isko at sinubukan muling suntukin si Samuel.
“At sinong nagsabi sa’yo na may karapatan kang magreklamo?” tanong ni Helena na ngayon ay hawak-hawak na ang kamay ni Omicron.
“Anong sa tingin mo ha? Magrerelax lang kayo rito? Ano bang sinabi ko sa inyo bago tayo pumunta rito ha?” sunod-sunod nga ngayong tanong ni Helena dahilan upang matigilan nga si Omicron at bumitaw sa pagkakahawak nito sa kamay niya. “Hindi ba sinabi ko na sa inyo na hindi ordinaryong paaralan ang papasukan niyo? Malay ko ba naman na iisipin niyong madali lang ang buhay rito sa itaas?”
“K—kuya?”
Unti-unti ngang tawag ni Chi sa kaniyang kuya Omicron na siyang nagpatigil sa kanilang lahat.
“Chi, bakit? Nahihirapan ka bang huminga?” sunod-sunod na tanong ni Omicron na kay Chi na siya ngang agad na lumapit dito nang marinig ang pagtawag niya sa kaniya.
“A—anong nangyayari rito kuya? B—bakit ba parang galit na galit?” sunod-sunod ngang tanong ni Chi na wala ngang kaalam-alam sa mga nangyari at nagtaka nga nang masaksihan ang akmang pagsuntok ni Omicron kay Samuel kanina.
“Before we leave, I just want to remind you Mister Rivera na nang dahil sa pagtatangka mong saktan si Doctor Samuel ay masususpend ka ng isang lingo upang gawin ang parusa mo,” saad ngayon ni Helena bago pa man sila umalis ni Samuel sa kwarto na siyang dahilan upang muli’t muling mapakunot ng noo si Chi dahil sa pagtataka at gulat.
“K—kuya? Anong ginawa mo?” tanong ni Chi na siyang hindi naman agad nasagot ni Omicron.
“’Yan kasing kuya mo Chi hindi man lang pinigilan ang galit at tinangka ba naman suntukin ng ilang beses si Samuel at maging ang anak ng Director,” paliwanag ni Isko na dahilan para tignan ni Chi ang kuya niya na tila ba dismayado sa inasal nito.
“Anak ng Director? Kuya, bakit mo naman ginawa ‘yon?” sunod-sunod ngang tanong ni Chi na siyang gulong-gulo nga sa mga nangyayari.
“Chi, kamuntikan ka na nilang pinatay, ano sa tingin mo ang gagawin ko? Papasalamatan ko pa sila?” sunod-sunod ngang sagot ni Omircron. “Mabuti pa Chi ay bumalik nalang tayo sa baba dahil kung pag-aakala mong mas ikakabuti natin ang pagpunta rito ay nagkakamali ka dahil papatayin lang tayo ng mga ‘yan dito.”
Pangungumbinsi ni Omicron na dahilan para agarang umiling si Chi bilang pagtutol.
“Kuya, walang aalis,” sambit ni Chi habang nakatingin ng diretso sa kaniyang kuya.
“Chi naman. Eh kung tahimik lang na buhay ang hinahanap mo ay malabong mahanap natin ‘yon dito,” pangangatwiran ni Omicron pero umiling lang nga ulit si Chi bilang sagot.
“Kuya, hindi naman kasi talaga ‘yon ang dahilan ko sa pagpunta rito eh,” sagot ni Chi na siyang dahilan upang matigilan at mapakunot ng noo sil Omicron.
“Kaya naman talaga ako pumunta rito ay dahil gusto kong tumulong”—saad ni Chi na siyang unti-unti ngang napaiwas ng tingin sa kaniyang kuya—“makatulong upang matapos na ang pagsabog.”
“Ang labo mo naman Chi eh. Ang akala ko ba kaya gusto mong pumunta rito dahil iba kung itrato ang mga tao rito kaysa sa ibaba?” nagtatakang tanong ngayon ni Omicron na siya ngang inilingan ni Chi.
“Kung sasabihin ko naman sa’yo ang totoo kuya eh alam ko na agad ang magiging desisyon mo para sa akin,” paliwanag ni Chi. “At ‘yon ay ang pigilan ako.”
“Pipigilan talaga kita Chi lalo na kung alam kong ikakapahamak mo lang ito!”
“Omicron,” tigil nga ngayon ni Isko rito nang medyo mapataas na ang boses niya.
“I guess nakalimutan mo na ang tanging habilin sa atin nila papa at mama kuya,” unti-unting saad ni Chi na siyang dahilan upang matigilan ngayon si Omciron at mapabuntong nga ng hininga.
"Kaya kayo mga anak…kahit anong mangyari sana ay piliin niyong palagi na makatulong sa inyong mga kapwa tao."
Omicron
“All the students that survived the first challenge, you are now officially a student of Mendeleev Academia,” saad ni Helena na siyang nakatayo ngayon sa harap naming lahat.
Narito kami ngayon sa main hall ng paaralan ng Mendeleev. At matapos ngang maka-recover si Chi at ang ibang estudyante ay pinatawag kaming lahat dito para sa orientation.
“Balita ko ay ‘yong nahuling Cluster kanina ay hindi na nakasurvive maski ‘yong nakasuot ng equipments. Hindi na kinaya nong gear ‘yong chemicals eh” bulong sa akin ni Isko nang mapansin ko ngang sobra kaming nabawasan ngayon. Like mala-forty percent nga ang nabawas kung maituturing.
“Binabati namin kayong lahat dahil nalagpasan niyo ang unang pagsubok. Your leaders are now ready to tour you around and to guide you sa pagpunta sa inyong respective rooms,” patuloy ni Helena na tinanguhan na ang mga leaders para puntahan na ang mga cluster naka-assign sa kanila.
_________________________
“Ito na po ang headquarters niyo,” saad ni Samuel na kakabukas lang ng pintuan na may sign nga ng Cluster 5 sa harapan.
At bumungad sa amin ngayon ang mala class-A na hotel room. May sala rito na kumpleto ang mga gamit. At may kusina rin na may refrigerator na kung saan ay punong-puno rin ng pagkain. Kapwa nga kaming tatlo na hindi makapaniwala ngayon sa magiging headquarters namin na mala room nga ni Professor sa ibaba.
“May tig-iisa kayong kwarto rito,” saad ni Samuel sabay pindot sa isang remote control na dahilan para magbukas ang pader na katapat namin ngayon na siyang nagreveal ng tatlong pintuan ng mga magiging kwarto namin.
“May mga damit na rin po pala kayo sa mga kaniya-kaniya niyong mga cabinet. Naroon na rin po maging ang mga uniforms niyo so you don’t have to worry about that. And kapag may problema man ay you can call me using these holographic phones,” paliwanag ni Samuel na siya ngang inilapag na ang kanina pa niyang hawak na briefcase na naglalaman nga ng tatlong holographic phones.
“A—at nga po pala kuya Omicron, hindi po muna kayo makakapasok ng isang lingo at hintayin na lamang siguro natin ang mapgdedesisyunan ng mga officials na magiging parusa mo,” patuloy ni Samuel at tiyaka nga dali-dali nang lumabas sa kwarto namin.
“Edi mabuti, I can have one week to relax,” saad ko at tiyaka nga ibinagsak na ang katawan ko sa malambot na sofa.