Part I: Kabanata 6

1743 Words
"Tumahimik kayong lahat!" Sigaw ng isang lalaki mula sa harapan nila Omicron na siyang umalingawngaw sa buong hall at na siya ring dahilan upang matahimik lahat ng mga estudyante na kanina lamang ngay panay ang kakatanong kung anong ginawa at saan ipinunta ang mga kagrupo nilang bigla na lamang hinigop ng isang malaking vacuum tube. "Babalik din lang ang mga myembro na nawala sa bawat grupo,” panimula ni Heisen na kasalukuyang nasa harap ngayon ng mga estudyante at kasama ang iba pa niyang kasamahan sa Cluster A. “Ngunit yaon ay kung sakaling mapagtagumpayan niyo man ang unang pagsubok na isasagaw ngayon." Cluster A- Itinuturing na Alpha ng paaralan dahil lahat sila ay isang ganap ng mga Doktor. Sila ang mga grupo ng estudyante na tinatangala hindi lamang dahil sa kanilang katalinuhan kundi maging dahil sa kanilang estado sa buhay. Maaaring anak ng mga General, anak ng mga Doktors, Professors, o hindi kaya'y anak ng mismong Director. "Sa pagsubok na ito ay susubukin namin ang inyong talino at diskarte. Ngunit kung sakaling wala kayo ng mga bagay na iyon ay pasensyahan na lamang tayo dahil buhay ng isa ninyong kagrupo ang magiging kapalit kung sakaling magkamali kayo sa pagsubok na ito," patuloy ni Heisen na siya ngang seryoso at hindi mo makikitaan ng mapagbirong ekspresyon. Bukod nga sa siya ang kaisa-isang anak ng Director ng Pilipinas ay isa rin siya sa pinaka tinitingala sa paaralan ng Mendeleev Academia nang dahil sa angkin nitong katalinuhan na siyang nagtamo ng posisyon niyang pagka-presidente ng buong paaralan. "Saan niyo idinala ang kagrupo namin? Hindi naman ata makatarungan ang pinaggagagawa niyo sa amin!" Sunod-sunod na sigaw ng isang lalaki mula sa Cluster 1. At wala pang ilang minute ay nagsigawan ang lahat ng estudyant nang dahil sa gulat nang bigla na lamang natumba ang lalaking nagsalita nang barilin siya ng isa sa mga myembro ng Cluster A na si Zild at na siya ring Vice President ng paaralan. Binaril nga niya ang lalaki ng isang bullet injection na may lamang propofol dahilan para mawalan ito ng malay at maaaring magtagal ito ng ilang oras. Dahil nga rito ay umalingawngaw na naman nga ang bulong-bulungan sa buong paligid na siyang dahilan upang mapapikit ngayon si Zild nang dahil sa pagkirita. "Tumahimik kayong lahat kung ayaw niyong isa-isahin kong patayin sa harap ninyo ang mga kagrupo ninyo!” Sigaw ni Zild na siyang dahilan upang matigilan ang lahat lalong-lalo na nga nang unti-onting bumaba sa bawat tapat ng mga cluster ang isang human tube kung saan naroon ang mga kagrupo nilang hinigop kanina ng malaking vacuum. Pare-pareho silang walang malay habang nakasuot ng protective gears. At kung titignan ngang mabuti ay tila nakalutang nga ang mga ito sa loob ng human tube. "C—chi? Anong ginawa nila sa'yo Chi!?" sunod-sunod na tanong ni Omicron na madaliang lumapit sa tube at hinawakan nga ito. At kalaunan ay sinubukan niya itong suntukin upang sirain ngunit matibay ang pagkakagawa nito kaya kahit ano pang gawin niya at kahit pa magdugo ang kamao niya sa kakasuntok sa tube ay hindi niya magagawang masira ito. At tiyaka lamang nga siya tumigil sa kakasuntok nang hilahin nga siya ni Isko palayo ng kaonti sa human tube kung saan naroon si Chi. "Ang mga kagrupo ninyo ay nasa isang tube na kung saan saan ay punong-puno ito ng gases na galing sa radioactive chemical na Plutonium na maaring maglagay sa kanila sa kamatayan kung hindi niyo sila maililigtas sa loob lamang ng trenta minutos"—paliwanag ni Zild habang naglalakad-lakad nga ngayon sa plateu na kinatatayuan nilang mga taga-Cluster A—“Dahil sa sandaling lumagpas sa trenta minutos at hindi niyo pa sila nailalabas diyan ay siguradong mamamatay sila dahil sa exposure nila sa radiation. That is because after 30 minutes ay kusang maaalis ang mga protective gears na nakasuot sa kanila at kusa ring ia-absorb ng bodies nila ang radiation.” Dahilan nga ito para mataranta ang lahat kasama sila Omicron at Isko na siyang nagtinginan nga noong una at sabay na patakbong lumapit sa tube upang pagsususuntukin ito dahil sa kadisperaduhang mailabas si Chi sa tube. "Kahit ilang beses niyong suntukin iyan at kahit pa na martilyuhin ninyo ito ay hindi ninyo magagawang masira ang tube. Dahil tulad ng mga glasses na nagproprotekta sa inyo sa baba ay roon din gawa ang tube na kinalalagyan ngayon ng mga kagrupo niyo," paliwanag ni Heisen na dahilan para matigilan nga ang lahat-lahat sa pagsusubok na masira ang tube. At napahinga nga ngayon ng malalim si Omicron habang hawak ang kamay niyang nagdurugo na ngayon. "The Prince Rupert's Drops" bigkas nito habang nakatulala at nag-iisip ng paraan kung paano niya maililigtas ang kapatid niya. "Kung paano sisirain ang tube ay kayo ang bahala ngunit siguraduhin niyong hindi makakalabas ang gas dahil kung sakaling mangyari ito ay hindi ang taong nais niyong iligtas ang mamamatay kundi kayo mismo," nakangising saad ngayon ni Zild. At kasabay non ang paggalaw ng plateu na kinatatayuan nila pataas. Pagkatapos ay pinindot na nga ni Heisen ang isang button mula sa kaniyang holographic phone na dahilan para unti-onting tumaas ang wall glass mula sa plateu na kinalalagyan nila. Ang glass na siyang magproprotekta sa kanila kung sakali mang may pumalpak sa pagsubok at may lumabas na gas mula sa tubes. "Y el desafío comienza (And the challenge starts)," saad ni Heisen mula sa taas na ngayon ay hawak-hawak ang isang mic na siyang nakakonekta sa speaker sa ibaba kung saan naroon ang mga bagong estudyante. “Ahora. (Now.)” Hudyat ito para mataranta ang lahat dahil trenta minutos lamang ang oras nila para makaisip ng paraan at para isagawa ito. "And new students, naglaan din pala kami ng protective gears para sa inyo dahil for sure may papalpak sa inyo at hindi maiiwasang maexpose kayo sa chemical," saad ni Zild na may hawak din ngang mic ngayon. “'Yon nga lang, medyo low budget ata kami ngayon at isa lamang ang ipriniprepare naming gear per team. ¡Disfrutar! (Enjoy!)” At dahilan nga ito para magunahan ang iba ngunit hindi tulad nila Isko at Omicron na siyang kapwa nga natigilan ngayon at kasalukuyang harap-harap ang isa’t isa. "Mabuti pa Omicron ay ikaw nalang ang magsuot nito at ako na ang bahala sa sarili ko. Ikaw ang may alam kung paano sirain ang glass na 'yan Omicron dahil naassign ka sa baba sa pagawaan niyan. Kaya't ikaw ang dapat na manatiling ligtas at magliligtas kay Chi," saad ni Isko na siya ngang sinagot ni Omicron ng isang iling. "I—isko, ikaw ang dapat na magsuot niyan," sagot ni Omicron na ngumisi pa ngayon dahilan para magtaka ng tuluyan si Isko. Pero nagulat siya nang bigla na lamang buksan ni Omicron ang maleta niya na dahilan para makita nito ang mga laman ng maleta. Halos lahat ng bagay na naroon ay ang mga imbensyon ng binate. "N—naidala mo lahat 'yan?" gulat ngang saad ni Isko ngayon na siyang unti-unting ngumiti kasabay ng pagtanggal ng kabang nararamdaman niya dahil alam niyang may bagay noon na inimbento si Omicron na makakasira sa Prince Rupert's Glass at maging ang improvised nasal cannula niya na may nakakabit na tube ng oxygen na gawa lamang sa inhaler na nakalkal lang nila sa mga nakatambak na gamit ng Professor nila ay naroon din. "Sabi ko naman sa'yo eh, walang mamamatay sa ating tatlo sa araw na ito," saad ni Omicron na ngayon ay isinuot na ang nasal cannula at kinuha na rin ang isang improvised na protective gear. Lahat ng materyales na ginamit niya doon ay gawa sa damit ng bombero na dinagdagan pa niya ng ibang kasangkapan na magproportekta sa kaniya sa kahit anong explosion. Kung ikukumpara ito sa ordinaryong protective gear ay nakakagulat na mas matibay ito at hindi basta-bastang masisira. "Kaya ikaw Isko, isuot mo na 'yang sa'yo at ilalabas natin ang kapatid ko sa lalong madaling oras," saad ni Omicron na sinabayan pa nga niya ng isang ngisi na hudyat ng pagkakampante niyang maililigtas nila si Chi. Heisen "Look! Dalawa ang protective gears na suot ng Cluster 5," saad ni Tatiana sabay turo sa screen kung saan makikita ngang may suot ‘yong lalaking kamuntikan ng suntukin si Samuel kanina na isang kakaibang protective gear. “At sinong nagsabi sa kanila na pwede silang gumamit ng ibang protective gear?" reklamo ngayon ni Zild na ngayon ay nakatingin na sa akin at nag-aantay ng maaaring iutos ko sa kanila. "Dapat atang ipagbawal natin sa Cluster 5 ang paggamit ng ibang gear Doctor Heisen? Para naman maging fair tayo sa ibang Cluster," patuloy pa nga nito na siya ngang nilakihan na ako ng mata dahilan upang saglit akong matigilan at tignan ang screen kung saan kita ko nga ang Cluster 5. "Doctor Heisen?" tawag sa akin ni Zild na dahilan upang mapabuntong hininga ako at tuluyan na ngang harapin siya. "Sige,” saad ko rito. “Ipagbawal niyo ang paggamit ng mga gamit na hindi nanggaling sa atin. Because as you have mentioned, kailangan maging fair tayo sa ibang clusters." Pagsang-ayon ko sa kagustuhan ni Zild na siyang agad namang unti-unting ngumiti ng pagkalaki-laki dahil muli’t muli ngay nasunod na naman ang kagustuhan niyang mangyari. "O—okay, I’m glad you have understand my point Doctor Heisen," saad nga nito habang nakangisi at madalian na nga niya ngayong kinuha ang mic para iannounce ang new rule. "Zild? What do you think are you doing?” Sunod-sunod ngayong katanungan ni Helen na kakarating lang nga. At ito nga ang siyang nagging dahilan para matigilan ako at si Zild. "Anouncing the new rule?” sarkastikong sagot ni Zild na dahilan upang mapasinghap na lamang ako at mapahawak ng noo. “Bakit kayo magdadagdag ng rule sa kalagitnaan ng pagsubok? At bakit niyo ipagbabawal ang paraan na naisip nila? Hindi ba kayo na rin naman ang nagsabi na sila ang mag-iisip ng paraan nila? What exactly is your point para ipagbawal ito Zild?" sunod-sunod pa ngang tanong ngayon ni Helen na siyang ibinaling nga ngayon ang tingin sa akin dahilan upang mapakamot ako sa aking leeg. "Heisen? Akala ko ba stick lang tayo sa mga rules na pinag-usapan ng buong council?" baling na tanong ni Helen na dahilan para mapabuntong ako ng hininga. "It just happened na kapag hindi natin idadagdag ang rule na ‘yan ay magiging unfair sa ibang group—” “Unfair? Kasalanan ba ng Cluster 5 na nakapagdala sila ng mga gears? At kung titignan mo nga ito ay hindi ito unfair. Instead, it is their strategy,” mariing saad nito na siyang dahilan upang unti-unti na nga akong mapatango at ibaling ang tingin ko kay Zild. “Bawiin mo ang new rule Zild," saad ko nga dahilan upang mapakunot siya ng noo. “B—but why?” “Just do what I say.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD