September 2, 2029
Omicron
Nandito na kami ngayon sa pinakataas ng building at inaantay nalang namin ang helicopter na maglilipad sa amin papunta sa Mendeleev.
Ang lugar kung saan ligtas ka dahil literal na nakalutang ang mundo nila kasama ang mga ulap. At ito ang siyang nagliligtas sa kanila sa panganib ng pagsabog na nararanasan namin dito sa ibaba. Do you think it is ironic na kung sino nga ang mga nasa taas ay sila rin ang may matataas na rangko sa buong bansa?
"Kuya, here we are na. Matutupad na rin ang pangarap kong makarating sa Mendeleev," bulong sa akin ni Chi na abot langit ang ngiti at halatadong excited na excited na nga ito sa pagpunta sa itaas.
"Huwag ka munang magsaya dahil wala pa tayo roon Chi. Paano kung bumagsak ang helicopter na sasakyan natin papunta doon? Edi todas tayo hindi ba?" sarkastikong saad rito dahilan para samaan niya ako ng tingin kaya naman agaran akong tumawa.
"Chi, huwag ka ngang masyadong nagseseryoso dahil sa mukha mong iyan, hindi mo bagay ang mag—su—ngit," saad ko rito at tulad nga ng lagi kong ginagawang pang-asar ay pinisil ko ngang muli ang magkabilaang pisngi nito na siyang dahilan upang manlaki ang mata niya at tapikin nga ng pagkalakas-lakas ang dalawa kong kamay.
"Kuya isa pa talagang beses mong pipisilin o hawakan ang pisngi ko ay hindi na talaga ako magdadalawang isip pang sipain iyang totoy mo," seryosong saad nga nito na siyang inirapan ako. At dahilan din nga ito para takpan ko agad si totoy dahil mahirap na kung seryosohin ito ni Chi.
At halos natigilan nga kaming lahat nang may pababa nan gang helicopter dito sa rooftop na kinatatayuan naming. Dito sa floor na ito kami kadalasang tumatambay dahil kita namin dito ang kalangitan na nagpapaalala sa amin araw-araw na may buhay pa rin sa kabila ng lahat-lahat.
"Let’s go?" tanong nga ngayon ni Heneral Cruz na siyang nanguna na nga sa paglalakad papasok sa helicopter kasama si Helena.
"Omicron, Chi, tara na," tawag ni Isko na siyang kasama naming pupunta sa Mendeleev pero saglit kaming natigilang tatlo sa pagsunod sa loob ng helicopter nang isa-isa kaming yakapin ni Professor na dahilan para hindi ko maiwasang magpigil ng tawa2.
"Mag-iingat kayo roon ah. Ipinagmamalaki kayo ng Cluster 5. At huwag na huwag rin kayong makakalimot,” saad nito habang umiiyak nga na halata namang kapikehan niya lang ito.
"Sige na po Professor Mando, aalis na po kami," sarkastikong saad ko at kumawala na nga sa yakap niya.
"Mag-iingat kayo!" huling saad nito bago umandar ang helicopter na kinasasakyan naming ngayon.
"Pagdating niyo sa Mendeleev ay ayaw kong nababalitaan na may gulong kakasabwatan ang Cluster 5 dahil hindi lang kayo ang mapapahiya kundi maging kami ng tatay ko na siyang pumili sa inyo," saad ngayon ni Helena na katabi ni Chi.
_________________________
"Welcome to Mendeleev Academia Cluster 5!"
Masiglang bungad sa amin ng isang lalaking mukhang kaedaran nga lang ni Chi nang makababa kami mula sa helicopter na sinakyan naming pataas dito sa Mendeleev. Naka-uniform ito tulad ng ibang sumasalubong sa mga representatives ng iba’t ibang clusters.
"Welcome back Doctor Helen and General Garcia" nakangiting bati nga nito kina Heneral
"Cluster 5, siya ang naka-assign na leader ng inyong cluster. Siya ang magtotour sa inyo sa buong paaralan at siya na rin ang mageexplain ng mga rules ng paaralan," paliwanag ni Heneral Cruz dahilan upang mapatango nga kaming tatlo.
"Basta Samuel, ikaw na ang bahala sa Cluster na ito," saad naman ni Helena na kasabay ni Heneral ay umalis na nga at iniwan na kaming tatlo kasama itong Samuel na siyang mag-gaguide sa amin sa buong Mendeleev Academia.
"Samuel ba ang pangalan mo totoy?" tanong ko rito na dahilan para tumawa si Isko at tignan naman nga ako ng masama ni Chi.
"Yes it is Samuel. At according to my guts ay mas matanda kayong tatlo sa akin kaya kung inyong rarapatin ay tatawagin ko na lamang kayong kuya at ate," saad nito habang nakangiti at sabay tingin sa amin isa-isa.
"Bakit totoy, ilang taon ka na ba?" tanong ni Isko na dahilan para matawa ako dahil sa pagtawag din niya ng totoy rito.
"Sixteen," sagot nito na siyang dahilan para halos sabay kaming mapatingin ni Isko kay Chi na siyang ngayon ngay sobrang sama na ng tingin kay Samuel habang nakakunot ang noo nito. “And you three?”
"Nineteen. At pati nga itong si Omicron ay nineteen na rin—" sagot ni Isko.
"At ito namang kapatid ko na ina—ate mo"–saad ko habang dala-dala ang pangmalakasang nakakainis na ngiti habang nakaharap kay Chi—“Ay sixteen lang din tulad mo.”
"Oh, I—I’m sorry,” saad nga nito na siya ngang kita ko ang panlalaki ng mata dahil sa gulat. “I thought—“
"By the way, I'm Omicron James Rivera," pagpapakilala ko nga sabay abot na ng kamay ko bago pa man nga maging awkward ang atmosphere between him and my sister.
"At ako naman si Isko Arellano," saad naman ni Isko na nakipagkamayan din nga.
"Chi Sasha Rivera," simpleng pagpapakilala ni Chi na kinuha na nga ang bag at nag-umpisa nang naglakad pero hinarangan nga ito ni Samuel dahilan para matigil at magtaka ito.
"Hindi pa ako nakakapagpapakilala Ms. Sasha," saad nito sabay kamot ng ulo niya. At dahilan nga ito upang magtinginan kami ngayon ni Isko na mukhang pareho nga ang hula sa maaaring iniisip ngayon ni Chi.
"I'm Samuel Mendoza. A—at ayaw ko sanang tinatawag niyo akong totoy o Samuel lang. Tawagin niyo akong Doctor Samuel sa kahit anong oras. Mas matanda man si kuya Omicron at Isko, at kaedad man kita ay mas gusto kong tawagin niyo akong Doctor Samuel to be professional," saad nito na dahilan para matahimik kaming tatlo at maski nga si Chi ngayon ay natahimik habang seryosong nakatingin ng diretso kay Doctor, yes Doctor Samuel.
"Wait, it’s a joke,” bawi nito kalaunan dahilan upang mapakunot kami ng noo at katahimikan nga ang namayani sa aming apat.
“Hey, come on, it is a joke, nagbibiro lamang ako, kahit totoy o Samuel ang itawag niyo ay I am okay with it,” panganglaro niya na sinabayan pa nga niya ng tawa dahilan upang magtinginan kami ni Isko at mapatango na kalaunan ay sinabayan na rin nga siya sa tawa kahit pa na pilit ay atleast maalis ang awkward silent na binuo ng totoy na ito.
"Hindi pa ba tayo aalis—Doctor Samuel?" sarkastikong tanong ni Chi na dahilan para matahimik kaming tatlo sa pagtawa.
"Aalis na tayo Sasha," saad ni Samuel na dahilan para halos sabay kaming tumawa ni Isko. Tawang hindi na pilit unlike sa unang joke niya.
"S—sasha?" tanong ko nga rito habang tawang-tawa pero napatigil ako ng sapakin ako ni Chi sa braso at maging si Isko ay napatigil nga rin nang akmang siya naman nga ang sasapakin ni Chi sa braso.
Nauna nang naglakad palayo si Sasha—ay este si Chi dahil sa inis na sinundan na rin naman nga naming tatlo.
"May masama ba sa sinabi ko?" nagtatakang tanong ngayon ni totoy dahilan upang magtinginan kami ni Isko bago nga sabay siyang tanguhan.
"You call her Sasha and you will die,” sagot ko nga rito habang nakangisi dahilan upang tuluyan siyang mapakunot ng noo.
_________________________
"Ang Mendeleev ay hindi ordinaryong paaralan. Kung nakapasok ka rito ay isa lang ang ibig sabihin non,”panimula ni Samuel habang naglalakad na kami papasok sa main entrance ng Mendeleev. “Hindi kayo pangkaraniwan.”
Malaki ang building at gawa ito sa granites na siyang dahilan para hindi ito madaling masira.
Hindi mo talaga aakalain na nakalutang kami ngayon na kasama ang mga ulap sa kalangitan dahil stable lang ang kinatatayuan naming kahit pa na tumalon-talon kaming lahat na narito sa Mendeleev.
Ang pagkakaiba nga lang ay talagang napapalibutan kami ngayon ng mga nakalutang na ulap at kung dudungaw ka sa ibaba ay makikita mo rin kung gaano sabay-sabay ang pagsabog which is ayaw kong gawin at sinabi lang sa akin ni Isko yaon.
"Hoy toy, balita ko ay maganda ang buhay niyo rito sa Mendeleev," saad ko sabay libot ng tingin ko sa loob ng building na kinatatayuan namin ngayon. “Like you have a lot of foods, a safe shelter, and not only fine but a high quality education.”
"'Yon ba ang tingin niyo?" tanong niya at kapwa naman kaming tumango ni Isko bilang sagot.
"Pwes, you will be really, really surprise kung anong naghihintay sa inyo rito sa Mendeleev," saad nito na siyang tumigil nga sa paglalakad dahilan upang matigilan din kaming tatlo. “Hindi lang utak niyo ang mapapahirapan sa paaralan na ito. Kundi lalong lalo na ang emosyon at paninindigan ninyo. Ihanda niyo na ang mga sarili niyo dahil sa oras din na ito ay magsisimula na ang inyong unang pagsubok!”
At sa sandaling masabi niya ‘yon ay halos manlaki ang mga mata namin ni Isko nang bigla na lamang may humila palayo kay Chi na isang pwersang hindi namin nakikita.
"Chi!" sabay naming sigaw pero huli na dahil hindi na namin mahagilap ito.
At rinig din namin ang sunod-sunod na pagsigaw ng mga tao ngayon sa paligid namin dahil din sa pare-parehas na dahilan.
Isang myembro mula sa iba't ibang cluster ang patuloy na hinihigop ng isang device na papasok ngayon sa building.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko!?"
At sa galit ko ay hindi ko na nga napigilang kwelyuhan si Samuel at sunggaban ito ng suntok.
"Sabi ko nga, magsisimula na ngayon ang una niyong pagsubok," saad nito habang nakangisi. Pero nang susuntukin ko na sana siya ay may pumigil nga sa kamay ko upang dumapi ito sa pagmumukha niya.
"Bakit ba nandito ka pa Samuel? Kanina ko pa ipinapatawag ang mga leaders," saad ng lalaki na siyang may hawak nga ng braso ko at na siyang tumigil sa akin para masuntok si Samuel.
"Pupunta na po ako Doctor Heisen," sagot ni Samuel na pwersahang inalis ang pagkakakwelyo ko sa kaniya at tiyaka na nga tumakbo palayo sa amin,
"At kayo, unang araw niyo palang manununtok na talaga kayo ng isang doktor? Buti at napigilan pa kita dahil kung hindi ay mukhang mapapauwi ka na agad sa baba ng wala sa oras," diretsahang saad ngayon ng lalaki na nasa harapan ko na nga ngayon.
"Ano sa tingin mo magiging reaksyon namin sa biglaang paghigop niyo sa kapatid ko gamit ang malaking vacuum na 'yan?!" pasigaw ngang tanong ko rito sabay turo ng machine na siyang humigop sa kapatid ko at sa iba pang mga estudyante mula sa iba’t ibang clusters.
"Hindi ka ba na-inform na ngayon mangyayari ang unang hamon ninyo? At kapag hindi niyo man mapagtagumpayan ang unang hamon na ito ay pasensyahan nalang tayo dahil kailanma'y hindi mo na makikita ang kapatid mo," saad nito na dahilan para mag-alab ako sa galit at hindi ko na napigilan ang sarili ko na siya naman nga kwelyuhan ko ngayon.
"Omicron," pigil ni Isko sa akin na siya ngang pwersahang inalis ang pagkakakwelyo ko sa lalaki.
"Kapag natalo ang cluster niyo sa hamon na ito ay buhay ng kapatid mo ang magiging kapalit," saad nito sabay ayos ng damit niya at tiyaka na nga tuluyang umalis sa harapan ko at kahit na gusto ko ngang hilahin ito para suntukin ay hindi magawa dahil hawak nga ako ngayon ni Isko para mapigilan sa gusto kong gawin.
"Bastos ang lalaking 'yon! Kung durugin ko kaya ang pagmumukha niya para matauhan siya at ibalik si Chi?!" sunod-sunod ko ngang sigaw habang nagpupumilit na kumawala sa pagkakahawak ni Isko pero nagtataka lang ako dahil hindi siya umiimik at mukhang tangang nakatunganga lang ngayon.
"Hoy Isko!"
"Siraulo ka talaga Omicron. Babasagin mo talaga ang mukha non? At talagang kinwelyuhan mo pa talaga?" sunod-sunod nitong tanong na siya ngang agaran kong tinanguhan.
"Oo Isko! And who knows, at baka mapatay ko pa ang lalaking ‘yon at iyong totoy na ‘yon kung hindi pa nila ibabalik si Chi rito!"
"Hindi lang 'yon kahit sino Omicron,” saad nito dahilan upang mapakunot ako ng noo. “Si Heisen Macapagal iyon pre. Anak 'yon ng Director Macapagal."