~Mikrodunia (Danymede)~ Helena “No, no, hindi maaring maging masaya kayo! And I will make sure that you two will never get that happy ending that you both want!” sigaw ng isang babae na akma ngang papaluin na sa ulo si Helena. Ngunit natigilan nga ng husto si Helena nang makarinig ng putok ng baril at makitang nakahandusay na ngayon at wala ng buhay ang babae. “H---heisen, what did you do?” “Helena?” “Ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatunganga diyan ah. Baka mamaya niyan ikaw na susunod na gagambalahin ng ilusyon mo,” sunod-sunod ngang saad ni Omicron na ni hindi ko man lang nga namalayan na kanina pa pala niya ako tinatawag. “M—may naalala lang ako saglit,” sagot ko nga rito sabay kurot sa kaniya na ikinagulat niya at ikinasigaw pa nga niya. “Aray ko naman! At para saan naman ‘yo

