~Mikrodunia (Danymede)~ Helena “At dalawa pang bagay ang ipapaala ko bago ka pa man pumasok sa tabletang ito na siyang magdadala sa iyo sa Danymede—“ “Una, ay kung sakali mang dumating sa punto na hindi mo na kayang kontrolin ang sarili mo o hindi man nga kayang kontrolin ng iyong kaibigan ang kaniyang sarili para isagawa niya ang iniuutos sa kaniya ng mga ilusyon ay maaari mong saktan ang sarili mo o maaari mong saktan ang kaibigan mo. At ito nga ang siyang gigising sa kaniya sa katotohan o sa bangungot na kinakaharap niya,” paliwanag pa nga ni Yuta na siyang seryoso nga ngayon nakatingin sa akin ng diretso. “A—at ano naman ang pangalawa?” tanong ko rito habang nakakunot nga ang aking noo habang inaantay ang isasagot niya. “Pangalawa, ay ang paniniguro niyong hindi kayo makakatulog

