~Mikrodunia (Danymede)~ Omicron “Omicron, anak,” saad ni mama na ngayon ngay kasama si papa at duguan ang kanilang mga mukha. “M—ma, pa,” unti-unting tawag ko sa kanila at hindi ko na nga napansin pa na naglalakad na ako papunta sa kanila upang yakapin sila. Ngunit natigilan nga ako nang hawakan ni Helena ang aking pulso. “Omicron, they are only illusion,” saad nito pero napailing lang ako ng ilang beses dito at unti-unti ngang inalis ang kamay nitong nakahawak sa akin. “Helena, totoo sila at nararamdaman ko na buhay pa sila,” nakangiting saad ko rito at nagpatuloy na nga akong lumakad palapit kina mama at papa na pareho ngang nakangiti ngayon sa akin. Ang ngiti nilang sobrang tagal ko nang hindi nasisilayan. “Sa tingin mo ba Rivera ay ganoon mo na lamang kadaling makakasama ang m

