Geraldine's Point of View* Pinitik niya ang noo ko na kina-aray ko. Nandidito kami ngayon sa kwarto at pinapa-dryer niya ang buhok ko. Napapout ako habang nakatingin sa kanya. "Anong napasok sa isipan mo na kunin ang singsing na yun sa ilalim ng tubig ha?" "Uhmm... Nakita ko kasi na parang importante sayo ang singsing lalo na't galing pa ito sa kalolahan mo. Ayokong magalit ka sa akin, Hubby." "So balak mong magpakamatay sa ilalim ha? Paano kung di ako umabot sa pagligtas sayo! Nag-iisip ka ba?" Waaa bakit galit na naman siya! "Buhay naman ako diba?" "You! Kung gusto mong magpakamatay ay wag sa mansion ko." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sa totoo lang masakit sa puso ang sinabi niya sa akin ngayon. Napayuko na lang ako para matago ko ang sakit na sinabi niya. "Okay." "What?"

