Geraldine's Point of View* Wala namang abnormal sa kwarto niya. Ano ba ang tinatago niya dito? Wala namang secret door o ano pa. Habang naghahanap ako ay naglagay na din ako ng mga maliliit na CCTV dito at audio surveillance device para madali niyang marinig kung may biglang tawag si Mike. Napatingin ako sa ilalim ng kama nang may napansin ako na parang nakadikit doon. "Ano yun?" mahinang ani ko at dahan-dahan na pumapasok sa ilalim. Nang biglang bumukas ang pintuan na kinatama ng ulo ko sa higaan. "What are you doing?" Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Mike. Teka bakit di ko napansin ang footsteps niya! Dahan-dahan ko siyang tiningnan at napangiti ako at napaupo sa sahig. "Nahulog ang tali ko sa buhok." Napahawak ako sa ulo ko nung tumama kanina sa steal sa ilalim. "T

