Geraldine's Point of View* Nakahiga na ako ngayon sa kahoy habang pinapali nila ang likod ng binti ko at napapikit ako at walang boses na inilalabas habang patuloy pa din nila iyon ginagawa. "Ano di ka pa din aamin? Isang oras na natin ginagawa ito." Di ako nagsalita. Ang sarap naman kasi ng masahe sa paa ko. "Di ka pa sasagot?" Bigla niya akong binatukan na kinalaki ng mga mata ko. "What the!" "Ano? Aangal ka?" Binatukan niya ulit ako at masama ko siyang tiningnan. Di ko siya masuntok sa mukha dahil nakatali ang kamay at paa ko. "Oo, wala naman akong kasalanan." Napasmirk naman siya at lumapit sa akin. "Alam ko dahil ako naman kasi ang gumawa ng lahat ng ito." "Bakit mo naman ginagawa ang lahat ng ito? Close ba tayo? Hindi naman diba?" Bigla niya akong sinakal pero wala n