Geraldine's Point of View* Napamulat ako at napatingin ako sa paligid at napakunot agad ang noo ko nang mapansin ko na nasa isang kwarto ako na di pamilyar sa akin at napahawak ako ngayon sa kumot na nakatakip sa katawan ko. "Ang lambot ng kumot..." Napa-upo ako at naramdaman ko ang kaunting hapdi sa binti ko at pagtingin ko ay nakabenda na ito. "Eh? Teka lang? Ano ba talagang nangyayari sa akin? Bakit nasa isang magandang kwarto ako ngayon?" Naramdaman ko na may yapak ng paa sa labas kaya naka-alerto ako at kinuha ko ang unan na nasa gilid ko at hinanda baka kalaban at pagbukas sa pintuan at natigil ang pagtapon ko nang makita ko agad ang mukha ni Mike na nakakunot ang noong nakatingin sa akin at mukhang may dala siyang pagkain. Dahan-dahan naman siyang napatingin sa hawak kong unan