Geraldine's Point of View* Lumakad na kami paalis sa meeting room para hindi maghinala sa akin si Mike pero hindi ko inexpect ang pagtawag niya sa akin. "Miss?" Natigilan kami sa paglalakad dahil alam ko na ako ang tinatawag ni Mike. Napalunok ako ngayon at dahan-dahan naman akong napatingin sa kanya at binitawan ko ang kamay ni Josh. "Mr. Muller?" Nakita ko na ang lapit na niya sa akin ngayon! At huminto siya sa harapan ko at tiningnan niya ang ID ko na kinatingin ko din doon. "Jerah Sanchez?" "Yes, Mr. Muller." Iniba ko talaga ang boses ko para hindi niya ako mahalata at tiningnan ko ang mga mata niya ngayon na parang binabasa ang boung katauhan ko. "Do you need help? Hinaharass ka ba ng lalaking ito?" Balita pala sa boung Pinas ang pagtakbo ko sa kasal namin dahil sa mga bab

