3rd Person's Point of View* Naglalakad siya pabalik sa opisina kung nasaan naghihintay ang Asawa niya ngayon. Pero habang naglalakad ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon. Habang nakatingin sa babaeng nakaharap niya kanina. Nagpatuloy siya sa paglalakad nang matigilan siya bigla sa paglalakad at natigilan din ang kanang kamay niya na si John. "Boss?" "Bagong employee ba si Miss Jerah Sanchez?" walang emosyong ani ni Mike kay John. "Titingnan ko po sa information sa HR po." Kinuha niya ang tablet niya at hinanap niya ang pangalan ni Jerah Sanchez at napakunot ang noo niya nung makita sa information sa kompanya nila na walang nagpapangalang Jerah Sanchez na nagtatrabaho sa kompanya nila. "Wala pong nakapangalan ng ganun, boss." Napakamao si Mike sa sinabi nito at m

