Geraldine's Point of View* Nagising ako ng madaling araw at tiningnan ko ang orasan sa phone ko at alas 3 na pala ng madaling araw. Tiningnan ko din ang message sa phone ko at wala man lang ni-isang message ni Mike ang lumabas sa message ko. As usual bakit pa ako magtataka eh hindi naman ako ang iniisip ng lalaking iyon. Di na ako magtataka. Hindi ko din naman sinisisi ang Mom niya dahil gusto din niyang protektahan ang Mom niya. Ganun din ang gagawin ko kay nanay at tatay kung may mananakit sa kanila. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin doon. "Kailangan ko ng umuwi. Tapos na ang rest day ko baka hindi pa ako bigyan ng sweldo dahil may absent ako," mahinang ani ko at dahan-dahan akong tumayo at iniwasan sila na nasa tabi ko baka magising ang mga lasingerong mga ito. Nat

