3rd Person's Point of View* Napatingin si Leo sa phone niya at alas 3 na at hindi pa din umuuwi si Gerry at kagabi pa niya ito hinihintay dahil hindi pa din umuuwi baka kung ano na ang nangyari sa Asawa niya. "She needs this job kaya hindi siya tatakas at Asawa ko siya at di siya agad makakawala sa bagay na yun," paulit-ulit na sabi na lang niya sa sarili niya habang nakatingin sa phone niya. Humiga siya at pinipikit niya ang mga mata niya pero di pa din siya nakakatulog. Inaamin niya na nagiging maayos na ang pagtulog niya nung katabi niya ito sa higaan at nagiging maayos din ang kalusugan niya dahil nakakain na din siya ng malulusog na pagkain dahil nakakalasa siya sa gawa ni Gerry. Kinuha niya ang unan ni Gerry at niyakap niya iyon pero hindi pa din iyon sapat para tuluyan na siyan

