Geraldine's Point of View* Nasa sasakyan kami ngayon. Di ko alam kung nagbabago ba siya o iniimbestigahan niya ang pagkatao ko. Hindi muna kami umuwi dahil kakain daw kami sa labas. Di ko alam kung saan kami pupunta ngayon basta ang alam ko kakain kami. Ginutom na din ako eh nang may naalala ako. "Mike---" Napakunot ang noo niya nung tinawag ko siya sa pangalan niya. "Wife, mukhang nakalimutan mo na agad ang itatawag mo sa akin ha." Napalunok ako. "Hubby ang sinabi ko ha." "What is it?" Ayun bumalik na naman sa pagiging kalma ang mukha niya. Ang bilis magpalit ng emosyon eh. Napatingin ako sa harapan at mabuti nag-stop pa ang traffic light. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya nang napansin ko na ang kamay na inilahad ko ay yung may benda. "Ay wrong hand." Pinakita ko a

