Geraldine's Point of View* Nagulat ako sa ginawa ni Mike nung niyakap niya ako ng mahigpit na parang wala ng umaga at nakatago lang ang mukha niya sa leeg ko habang mahigpit pa ding niyayakap ang katawan ko. "Okay, bro, mauna na ako at ako na ang magmamaneho ng sasakyan mo." Lumakad na si Rafayel papunta sa sasakyan na ginamit ni Mike at nakatingin na lang ako sa kanya hanggang sa umalis na siya. Bakit may payakap yakap pa ang lalaking ito? "Mike..." "I'm so sorry, wife." Natigilan ako nung humingi siya ng tawad sa akin at dahan-dahan siyang napatingin sa akin at nagtitigan kami ngayon sa mga mata niya. Napa-iwas naman ako ng tingin. "B-Bakit ka naman nagso-sorry, ano ba ang ginawa mo." Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at napatingin naman ako doon. "For calling you stu

