Geraldine's Point of View* Nakatingin ako ngayon kay Mike at napalunok na lang ako habang nakatingin sa kanya. "Uhmmm..." "Mission?" Napatingin ako kay Jane na parang kinabahan na din sa nangyayari. Napabalik ang tingin ko kay Mike. Hinihintay niya ang sasabihin ko ngayon at parang binabasa niya ang boung pagkatao ko ngayon. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. "Ginulat naman kasi ako ni Rafayel eh! Ang nasa isipan ko kanina ay mission accomplished na yung pagbilis ng cake. Kunot noong ani ko at sinamaan ko ng tingin si Rafayel at umusog naman ito sa gilid para di madamay si Jane. "Babe, iwan mo agad ako?" "Bahala ka sa buhay mo." Nanlalaki ang mga mata ni Rafayel at napatingin siya kay Mike at napa-iwas din ito ng tingin. "Pati ba naman ikaw, bro." "Kasalanan mo yan. Par

