Geraldine's Point of View* Sa garden habang nakaupo ako sa swing ko dito habang nasa gilid ko si Jane. Nakatingin ako ngayon sa balita about sa nangyaring bakbakan kahapon at mabuti nailigtas nila ang governor at pati na din si Sofia at ang kumuha ng lahat ng credits ay si Aldren. Hindi ko talaga pinapasabi na tumulong ako dahil ayokong matunugan ng mga kaaway ko kung nasaan ako. "Mabuti malinis ang nangyari kahapon at hindi tayo nakita ng mga pulis," mahinang ani ko kay Jane. Pero napansin ko na hindi siya sumasagot kaya tiningnan ko siya at nakakunot ang noo niya ngayon habang nakatingin sa malayo. Napa-isip naman ako dahil siguro kay Rafayel kaya siya ganito ngayon. "Milady." Uminom ako ng juice ngayon. "Hmm?" "May nangyari ba talaga sa inyo ni Muller?" Muntik na akong nasa

