Geraldine's Point of View* Lumapit ako sa kanila at nakayuko ako sa kanya. "Siya ang bagong katulong na naka-assign ngayon dito sa training grounds. Kayo na ang bahala sa kanya dito. Titingnan ko lang siya kung maayos ba siya kung magtatrabaho." "Yes, master." Napatingin naman siya sa head guard. "Siya ang head guard dito. Siya si Joel at sabay ka na din sa kanila mag-ehersisyo ngayon." Eh? Nagtataka naman akong napatingin sa kanya. "Po? Hindi naman po ako nabingi diba? Sabay ako sa inyong magtraining po, sire Joel?" "Yes, Girlie." Woah! Di ko aakalain na ganito ang training grounds na naka-assign sa akin ngayon. "Nakikita ko naman na hindi ka disagree sa bagay na yun. Magbihis ka na doon sa dressing room." Agad akong napatango at agad na akong tumakbo papunta sa loob at nakiki