Geraldine's Point of View* Nagising ako at nagstretching pa ako at napatingin ako sa katabi ko na mahimbing pa ding natutulog. Teka nakatulog ako sa bisig niya kahapon ha at di ko na maalala ang sumunod na nangyayari nun. Mabuti na lang at di ako tinapon kung saan mang planeta. May mabuting puso din pala ang isang ito. Tiningnan ko ang mukha ng Master ko na parang di makabasag pinggan kung titingnan mo ngayon. Ngayon ko lang napansin na ang haba ng pilik mata niya at ang kilay niya parang ang perfect at ang ilong niya ay ang tangos nun at bumaba ang tingin ko sa mapupulang labi niya. Naka lipstick ba toh? Dahan-dahan kong hinawakan ang labi niya at tiningnan ko iyon at wala namang lipstick. Wow ha, natural na natural ang pagkapula ng labi niya. Napatingin ako sa buhok niya na malambo