3rd Person's Point of View* Nakasunod ang spy na pinapasunod ni Bruno kay Gerry. Gusto kasi nilang malaman kung sino ito. "Ano daw ang nangyari bakit hindi kayo makapasok doon sa loob?" "Puro mga VIP ang makakapasok doon at hindi basta-basta ang mga tao na nasa loob doon." Napakunot naman ang noo nila dahil sa sinabi nito. Doon nila na-realize na hindi ordinaryong assistant ang Girlie Dell na iyon. "So, isang VIP ang assistant ni Muller? Hindi naman kasi halata sa mukha niya na ganun siya. Baka isa siyang anak mayaman tapos gusto lang niyang maging assistant ni Muller?" "Hindi pa natin sigurado kung ganun talaga." "Hintayin na lang natin siyang lumabas." Lumabas si Gerry na buhat-buhat siya ni Xavier at nakikita nila na grabe ang kapit ni Gerry sa batok nito na parang sweet na swe

