Geraldine's Point of View* Nakarating sila sa restaurant at nasa VIP room kami ngayon ni Xavier ay nanlulumo akong nakahiga ang ulo ko sa lamesa. "Tell me kung ano ang ginawa mo kanina habang kaharap siya?" "Bakit ba parang vip na talaga siya pagsinasabi mo ang bagay na yun? Kinakabahan na ako sa pinagsasabi mo eh!" "Isa siya sa nirerespeto ng lahat lalo na ang phantom syndicate group kung saan nandodoon ang mga malalakas na assassins." Narinig ko na ang phantom syndicate na yun dahil nakaharap ko na sila noon at di ko nga pinagkakaila na ang lalakas nila sa larangan ng labanan. Sila ang mga assassins na itataya nila ang buhay nila para sa master nila. "Ano ba talaga ang ginawa mo?" "Nag-usap lang naman kami. Sinabi ko na wala si Mike at bumalik na lang sila. Yung kanang kamay niya

