3rd Person's Point of View* Napatingin si Jane ngayon sa labas ng bintana habang nasa sasakyan sila ngayon. Dahan-dahan siyang napahawak sa puso niya habang inaalala niya ang nangyayari sa kanila ni Rafayel. Hindi niya na kilala ang sarili matapos ang pangyayaring iyon a month ago. Hinarap siya nun ni Rafayel at nasa funeral home sila nun. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makaharap niya si Rafayel. Inaamin na niya sa sarili niya na tuluyan na nga siyang nahulog sa lalaki at hindi na niya iyon ipagkakaila dahil parang niloloko lang niya ang sarili niya. "Can I talk with you kahit sandali lang." Napatingin siya kay Rafayel nun at ramdam niya ang walang emosyon sa pagbigkas ng mga salitang iyon. Hindi alam ni Jane kung ano ang sasabihin nito pero umagree na lang siya na sumama kay R

