Geraldine's Point of View* "No, forget him." Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay dad. "Bakit po?" Doon ko na-realize na may Asawa na pala ito at yun ang sabi ni Jane sa akin. "O-Okay..." Napayuko na lang ako at napatingin sa kamay ko. "Sana maintindihan mo ang nangyayari ngayon." "Wala akong maintindihan, dy. Wala nga akong maalala sa nangyayari sa buhay ko ngayon." Nakikita ko na nag-aalala siya habang nakatingin sa akin. "Pero kagaya ng sinabi niyo po ay gagawin ko ang bagay na yan dahil alam ko ginagawa niyo lang ang nararapat para sa akin." "Mabuti naman at alam mo ang bagay na yun, sweetheart." Niyakap naman ako ni Daddy. Pero ramdam ko sa puso ko na parang may something parang may mali. Nakarating na kami sa isang restaurant at agad kong nakikita ang mga swee

