SAMEL LEANDRO MONTEALTO __ I was thinking that maybe she was just tired last night pero mailap pa rin ito hanggang kinabukasan. Hinintay ko siya sa couch habang gumagayak pa siya sa silid. Tinigil ko ang pagbabasa ng diyaryo nang makarinig ako ng doorbell. Sinilip ko ang cellphone ko para tingnan kung sino ang nandoon. It was mom. Pinindot ko ang open button at ilang sandali lang ay naririnig ko na ito sa loob ng bahay. "Good morning, my son!" Tiningnan ko lang siya habang papalapit siya sa direksyon ko. Maraming bitbit ang mga kasambahay niya sa likod niya. Hinayaan ko siyang lumapit at bumeso sa akin. "I forgot to bring all this stuff here last night kasi naman nag-tsismisan pa kami ng mga amiga. Look at this!" She excitedly showed me two mugs with an artwork print. "So nice, right