AZAZEL ERIS ROSS __ Huminto ako sa gilid ng mesa ko at wala sa loob na inabot ang bouquet ng bulaklak na nandoon. Those were beautiful tulips. Binuklat ko ang card na nakasabit. May nakasulat na "Good morning" at pangalan ni Samel sa ilalim. There were the butterflies again... bothering my stomach. Marahan ko rin iyong binaba roon at binaba ko rin ang handbag ko. Wala siya sa opisina sa buong araw dahil nasa mining site siya maghapon. Ginawa ko lang ang trabaho just like usual hanggang sa tawagin ako ni Lace for lunch. Lumapit ito sa mesa ko at tiningnan ang bulaklak. "Oh... from Samel Montealto," nakangiting sambit nito. "Don't you think you're heading to something serious?" Humugot ako ng malalim na hininga at inayos ang mga papel sa mesa ko bago ako tumayo. I refused to talk about