Pagdating sa restaurant kung saan sinabi ng Mama niya na mag di-dinner sila agad niyang namataan ang sasakyan ni Vlad sa may parking lot. Humugot siya ng malalim na paghinga at nanatili muna sa loob ng kanyang sasakyan. Naroon na rin ang sasakyan ng parents niya at mukhang siya na lang ang hinihintay ng mga ito. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa nilang umabot ni Vlad sa ganito na kailangan pag awayan nila ang isang babae at si Penny pa talaga sa dami ng babae sa mundo. Magkakabata silang tatlo, sama-sama silang naglalaro noong mga bata pa sila. Siya ang pinaka matanda sa kanila, sino ba namang mag aakala na hanggang sa kanilang pagtanda maglalaro pa rin sila, iyun nga lang ibang laro na ang lalaruin nila. Ano man ang sabihin ni Vlad sa mga magulang nila hindi niya pakakawalan si P