Wala na siyang balak sumama pa sa bahay nila para doon pag-usapan ang tungkol kay Penny, nais na nga niyang umuwi para na rin makasama na lang si Penny. Wala din namang mangyayari sa pag-uusap na gagawin nila dahil hindi siya papayag na makipagpalit kay Vlad. Pakakasalan niya si Penny period. Eighteen palang siya nakatatak na sa isipan niya na pakakasalan niya si Penny at hindi pwedeng hindi matuloy iyun dahil lang nagkagusto si Vlad kay Penny o dahil dumating si Jackie sa buhay njya. Balewala naman si Jackie sa kanya s*x lang naman ang habol niya. Hindi palang niya mahiwalayan si Jackie dahil alam niyang hindi pa handa si Penny na gampanan ang papel nito bilang asawa niya. Pagdating sa bahay hinayaan niyang magsalita ng magsalita si Vlad sa harapan ng kanilang mga magulang. "Mahal ko p