"Ano na naman ang pinag-usapan niyo ng brother in law mo?" Tanong sa kanya ni Lexie nang pumasok na siya sa classroom nila. Pagpasok nga niya kanina wala pa ang professor nila kaya naman halos lahat ng classmates niya sinalubong siya para i congrats siya sa kasal nila ni Arkin. Mrs. Dela Vega na nga ang tawag pa sa kanya ng mga ito bagay na lalong nagpakilig sa kanya. Hindi rin naman nagpahuli si Lexie sa pagbati sa kanya kanina na umagaw talaga ng pansin sa mga kaklase niya. Best friend niya ito kaya natural lang na kakaiba ang pag congrats nito sa kanya. Nabitin nga kanina ang pagbati ng kaibigan sa kanya dahil sa pagsulpot ni Vlad. Ganoon pa man nakabawi naman ito kanina nang pagpasok niya ng classroom. "Wala naman may sinabi lang siya," tugon niya kay Lexie. "Halata naman na may gus