"How's school?" Tanong niya kay Penny nang makaupo na sila sa pina reserved niyang table para sa kanila ng asawa sa isang kilalang restaurant. Kahit na halos puno pa siya ng pasa sa mukha tinuloy pa rin niya ang pangako niyang mag dinner sila ng asawa sa labas. Nais na niyang simulan ngayon sa asawa ang pagiging romantic niya rito. Alam naman niyang sa edad ni Penny mahilig pa ito sa mga romantic thing at mga nakakakilig na mga bagay, at nais niyang sabayan ang teenager niyang asawa. Hindi naman din ganun kalayo ang agwat ng edad nila ng asawa kaya alam niyang makakaya pa niyang sabayan ang gusto nito. "Ok naman medyo busy na rin dahil malapit na ang exam," tugon nito sa kanya. "I see," tugon niya sa asawa at sumenyas na sa waiter para i serve na ang pinahand niyang dinner para sa kanila