"Asaan ang asawa mo? Bakit iniwan ka niyang mag isa dito sa labas?" Napalingon siya nang marinig ang tinig mula sa kanyang likuran. Nakita niya si Vlad na nakatayo sa likod niya may hawak na kopita na may lamang alak. Dahil sa nangyari gulo sa dinner halos hindi na nila lahat nagawang kumain ng maayos. Kaya maagang natapos ang dinner. Kinausap si Arkin ng Papa nito sa may library at naiwan naman siya sa mah sala kasama ang Mama ni Arkin at doon dila nag-usap ng biyenan. Hindi naman niya alam kung saan nagtungo si Vlad kanina, ang laki kasi ng bahay ng mga Dela Vega. Iniwan naman siya ng biyenan nang may tumawag sa cellphone nito, kaya naisipan niyang maglakad-lakad na lang sa labas habang hindi pa lumalabas ang asawa sa library. Sigurado naman na ang pinag-uusapan ng asawa at Papa nito