"Are you ok?" Usisa ni Penny sa kanya nang makapag park na siya ng sasakyan sa loob ng bakuran ng bahay ng mga magulang niya, naroon na rin ang sasakyan ni Vlad naroon ang kapatid sa bahay at mukhang hindi ito umalis para makasama ito sa dinner nila at paniguradong eeksena na naman ito. Alam niyang hindi pa rin titigil ang kapatid sa pagnanais na makuha si Penny kahit na kasal na sila nito. "Yeah, I am ok," tugon niya at ngumiti sa asawa. Pinatay na rin niya ang makina at nagyaya ng bumaba ng sasakyan para na rin matapos na ang dinner at makahinga na siya ng maluwag pagkatapos niyang kausapin ang mga magulang. "Let's go," nakangiting anyaya niya sa asawa at sabay na silang bumaba ng sasakyan. Tumakbo siya paikot sa passenger seat para salubungin ang asawa at maalalayan ito sa paglalaka