Pagsundo sa kanya ni Arkin sa eskwelaan agad na silang nagtungo sa mall para makabili ng susuotin niya ngayong gabi. May dinner kasi sa bahay ng parents ni Arkin at sasabihin na nila na kasal nila nito. Hindi pa kasi nila nasasabi sa mga magulang ni Arkin ang ginawa nilang pagpapakasal nito sa Baguio, at ngayong dinner nila balak i announce. Dahil alam na rin naman ni Lexie ang tungkol sa kanila ni Arkin hinayaan niyang sumilip kanina ang kaibigan nang sunduin siya ni Arkin, iyun nga lang hindi naman nakababa si Arkin sa sasakyan kaya hindi rin ito nakita ni Lexie. Nasabihan na kasi niya si Arkin na huwag ng bumaba ng sasakyan sa tuwing ihahatid at susunduin siya nito. Nagkakagulo lang kasi ang mga babae rito. Naisip niyang mag set na lang ng araw para maipakilala naman niya ang best fr