"Kasal ka na kay Arkin Dela Vega?!" Bulalas ni Lexie sa kanya na umagaw pa ng pansin sa mga naroong estudyante na kumakain din. "Lexie boses mo naman!" Saway niya sa kaibigan. "Teka lang ah. Teka lang," saad nito at hinarang pa sa kanya ang dalawang kamay nito para hindi muna siya magsalita. Halata sa mukha ng kaibigan ang shock at naguguluhan ito. "Ang tindi kasi ng pasabog mo eh. Kasal na kayo ni Arkin? Paano nangyari iyon eh hindi naman kayo mag jowa?" Sunud-sunod na tanong sa kanya ni Lexie. "Mahabang istorya, Lexie," tanging tugon niya. "Wala akong pakialam kung gaano pa kahaba iyan, kahit kasing haba niya ang tatlong taong teleserye sa TV. I am willing to hear everything from you, Penny. And ayoko ng may lagpas, gusto ko detalyado,' mahabang litanya ng kaibigan sa kanya. Nagkib