"Sunduin kita after class," saad sa kanya ni Arkin nang ihatid siya nito sa eskwelaan. "Yeah," tipid niyang tugon sa asawa at inalis na ang seat belt para makababa na. Hindi na kasi niya pinabababa ang asawa ng sasakyan pag nasa eskwelaan sila, marami kasing tumitingin kay Arkin na magagandang babae. Hindi naman sa insecure siya o ano, ayaw pang din niyang mapag-usapan ng mga ka eskwela niya. Kilala pa naman halos ng mga taga San Nicolas si Arkin Dela Vega. "May kailangan ka bang bilhin mamaya bago tayo pumunta sa bahay nina Mama at Papa?" Tanong sa kanya ng asawa habang inaayos ang mga gamit na dadalhin pababa. "Wala naman," tugon niya. "Baka kailangan mong bumili ng maisusuot mamaya, special dinner din kasi iyon, and also sasabihin na natin kina Papa at Mama na kasal na tayo," saad