Nakataas ang kanyang mukha habang nakaupo sila sa may sala at kaharap ang mga magulang ni Penny, naroon rin ang kapatid niya na sa kabilang gilid naman nakaupo. Magkatabi sila ni Penny at magkatabi naman ang mga magulang nito. Nakahanda na siya sa ano mang sasabihin sa kanyan ng mga magulang ni Penny. "Mommy, Daddy, bakit niyo po kami pinauwi ni Arkin?' Basag ni Penny sa katahimika, wala kasi ni isang nagsasalita sa kanila nagtitinginan lang sila at nagpapakiramdaman. Pansin nga niyang nakita na ng mga ito ang wedding ring na suot nila ni Penny, tiyak na alam na ng mga ito na kasal na sila ni Penny, ganoon rin si Vlad na mukhang natameme na dahil sa kabila ng ginawa na nito ang lahat hindi pa rin nito makukuha si Penny sa kanya. "Mukhang kayo yata ang may dapat sabihin muna sa amin," saa