"Buti naman at nagkaroon ka ng time puntahan ako dito," saad ni Jackie nang sadyahin ito sa location ng photo shoot nito ngayong araw. Kailangan niyang makausap si Jackie para ipaliwanag na rito ang lahat na kailangan na nilang tapusin ang ano mang meron sila ngayon. Pipiliin niya si Penny this time over Jackie. Alam kasi niyang mas safe kung si Penny ang piliin niya. Una wala na siyang magiging problema pa sa pamilya niya at parents ni Penny. Beside eighteen pa lang naman siya alam na niya na ikakasal siya kay Penny at inihanda na niya talaga ang sarili noon pa man. Sadyang may hinahanap lang ang kanyang katawan na kay Jackie niya natagpuan. But, after nilang magtalik ni Penny, he realized na kaya din ni Penny ang mga ginagawa ni Jackie sa kanya, kaya naman bakit pa niya pipiliin si Jack