Isang romantic dinner ang set up ng kanilang mesa, masasarap na pagkain din ang nakaahin, may steak at wine din. Isama pa ang mga tumutugtog ng violin sa loob ng restaurant. "Ang romantic naman," hindi niya napigilang isan tinig. "Dapat lang dahil misis ko yata ang ka date ko ngayon," nakangiting tugon sa kanya ni Arkin. Hindi naman niya naitago ang ngiti sa labi at kilig sa naging tugon sa kanya ng asawa, isama pa ang ngiti nitong lalong nagpagwapo sa asawa niya. Madalas naman ngumiti si Arkin, sadyang iba lang ang ngiti nito ngayon para sa kanya, ang gwapo kasi nito. Lalo yatang naging gwapo ang asawa niya dahil may pa romantic dinner ito sa kanya. Ganoon pa man hindi pa rin niya inaalis sa isip niya ang totoong dahilan kung bakit sila narito ng asawa. Pag-uusapan kasi nila ang tungk