"Anong ginawa mo kay Penny?" Galit na sugod niya kay Vlad nang puntahan ang kapatid sa ospital kung saan nito sinugod si Penny. Tumawag sa kanya si Vlad at sinabing nawalan na lang daw bigla ng malay si Penny, kaya dinala nito sa ospital. Halos mataranta naman siya sa pagpunta sa ospital para alamin ang nangyari sa asawa niya. "Kuya Arkin," tawag ng kapatid sa kanya. "Walanghiya ka Vlad! Anong ginawa mo sa kanya?!" Galit na tanong niya at hinila ang kwelo ng uniform nito. "Bakit kayo magkasama ni Penny?" Galit pa ring tanong niya rito. Galit ang nararamdaman niya sa kapatid dahil natitiyak niyang may sinabi itong hindi maganda kay Penny kaya ito nawalan ng malay. At paniguradong ang nadatnan nito kanina sa opisina niya ang sinabi nito sa asawa niya. Hindi na talaga niya mapagkakatiwal