"Naku Penny ah, sa akin kapa yata balak magsinungaling eh kitang-kita ko naman ang ebidensya sa mukha mo," saad sa kanya ni Lexie sabay tulak pa ng kaibigan sa kanya hababg palabas sila ng classroom para mag meryenda sa cafeteria. Kanina pa nga siya nito kinukulit about kay Arkin. Paano naman kasi itong si Arkin hinihatid pa talaga siya hanggang sa loob ng campus, kahit tumatanggi na siya, nais kasi niyang iwasan na pagtinginan siya ng mga ka eskwela at baka kung ano pa nag isipin tungkol sa kanya, kahit na ang totoo naman mag asawa na sila ni Arkin. "Hindi naman kasi magiging maaliwalas ng ganya ang aura mo kung hindi dahil kay Arkin at panigurado na bago ka pumasok sa school kanina eh nadiligan ka," biro sa kanya ng kaibigan. Sa tuwing ganitong topic ang pinag-uusapan nila ni Lexie na