"Pinapakiusapan ako nina Papa at Mama na umalis muna ng bansa at ipagpatuloy ko na lang daw ang pag-aaral ko sa America," litanya ni Vlad sa kanya nang tanungin niya ang kapatid kung ano sadya nito sa opisina niya. "Wala akong idea na may plano pala sina Papa at Mama na ganyan,' he said. "Wala kang idea o idea mo ito?" Akusa ng kapatid sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga. Of course iyon ang iisipin ng kapatid niya na siya ang may gusto na umalis ito ng bansa, para hindi na makagulo pa sa kanila ni Penny. Pero wala silang ano mang pinag-usapang ganon ng kanilang Papa nang mag-usap sila. Ang tanging napag-usapan lang nila ay tungkol kay Penny. Sinabihan siya ng ama na huwag lolokohin at sasaktan si Penny, dahil tiyak daw na magagalit ang mga magulang ni Penny. Iyon lang daw ang