The Unwanted Mrs. Dela Vega 20

1305 Words

"Kumusta naman si Penny? Naihatid mo ba siya ng maayos kagabi?" Tanong sa kanya ni Vlad pagkatapos ng meeting nila at sinundan siya ng kapatid sa loob ng kanyang opisina "She is fine, Vlad. Pero sana sa susunod huwag mo nang isama si Penny sa ganoong klaseng lugar, kung hindi mo rin naman siya kayang bantayan," sermon niya sa kapatid. Muntik na kasing mapahamak si Penny, kung wala siya roon, ano na lang ang mangyayari sa dalaga na nawalan ng malay dahil sa kalasingan. Baka kung sino lang ang nagbitbit sa dalaga pauwi at gawan pa ito ng masama. Buti na lang talaga nag decide siyang puntahan ang bar na kinaroroonan ng mga ito kagabi. "Nagkataon lang naman na nagkita kami roon ki Penny, pareho lang kaming invited sa party. Hindi ko nga rin alam na andoon siya," paliwanag ni Vlad sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD