"Talaga? Grabe naman pala ang nangyari sayang nawalan ako ng malay," malalim ang ngiting saad niya kay Lexie nang ikwento ng kaibigan sa kanya ang nangyari sa party ni Razel na dinaluhan nila kagabi. "Sira, buti nga nawalan ka ng malay kung hindi mo mararanasan ang buhatin ni Arkin Dela Vega," kinikilig na sabi sa kanya ni Lexie. "Oo nga no, at least naranasan ko," kinikilig niyang tugon sa kaibigan. "So, ano? Tinamaan ka na agad sa kanya no?" Biro pa ni Lexie sabay sagi sa balikat niya. Ngiti lang ang naging tugon niya sa kaibigan. Ayaw pa rin kasi niyang ipaalam ang laha-lahat kay Lexie. Lalo na't alam naman niyang walang kasiguraduhan pa ang lahat sa kanila ni Arkin. "Naku, naku, ayaw mo umamin ah," Lexie said sabay sagi muli sa balikat niya. "Lexie naman eh," she said. "Anyway, h