"Thank you for coming, Arkin. Akala ko nga hindi ka na sisipot," malambing na saad sa kanya ni Jackie nang lapitan siya ng nobya pagkatapos ng show nito sa isang event. Tinawagan siya ni Jackie kanina kung pwede ba siyang umattend ng show nito after ng kanyang work. Nangako naman siya sa nobya na pupunta, iyun nga lang sa dami na rin ng kanyang ginagawa na late siya ng kaunti, halos patapos na ang show nang dumating siya. Ganoon pa man ang mahalaga naman nakarating siya. "For you," he said sabay abot sa bouquet na binili niya para sa nobya. "Thank you," pasalamat nito at agad siyang hinalikan nito sa pisngi. Bihira lang niya nagagawa ang ganito kay Jackie, hindi kasi siya sweet katulad ng ibang lalake na laging may flowers and chocolates. Masyado din siyang busy kaya halos hindi na niy