Matapos ang klase niya agad siyang nagpaalam sa kaibigan dahil susunduin siya ni Arkin para magpunta sila nito sa kaibigan ng lola nito kung saan ipapagawa ang kanyang susuotin sa anniversary ng golf club ng mga Dela Vega. "Penny," tawag sa kanya habang palakad palabas ng campus. Nakita niya si Vlad na palapit sa kanya. Hindi niya tinago ang pagkadismaya sa dating kaibigan nang makita ito. Ganoon pa man huminto siya para harapin ito. Kanina hindi niya ito kinausap dahil nais na niyang makaalis sa lugar na iyon, hindi niya nais makasama si Jackie at Vlad sa iisang lugar. "May kailangan ka Vlad?" Taas kilay niyang tanong rito. Hindi na rin niya tinago ang inis niya rito, mabuti nang alam nito na inis siya rito dahil sa ginawa nitong pakikipag kaibigan kay Jackie. "Anong pinag-usapan niyo